^

PSN Showbiz

Marissa, umagaw ng eksena dahil sa katabaan!

-
Kahit si Keanna Reeves ang bida sa pelikulang Binibining K ng Reality Films, hindi naman nagpatalbog ang beauty ng magaling na karakter aktres na si Marissa Delgado. Mapapansin din siya sa bawat eksenang kasama nina Candy Pangilinan, Troy Montero at Dennis Padilla.

"Sarili kong style ha, hindi ako nang-agaw," sabi ni Marissa. Tumaba siya kaya ang eksenang palagi siyang kasama ay pansin ng mga tagahanga.

Ilan na bang pelikula ang ginawa niya na hindi siya pinapurihan? Minsan din nag-produce noon, at may anak na naging Beauty Queen, si Avon Garcia. Nag-artista din si Avon pero sandali lang. Mas ginusto nitong magtrabaho outside showbiz. Ipinaubaya na lang ang pag-arte sa ina.

"Parang hinahanap ko pa rin ang pag-arte," kwento ni Marissa.

Humahanga si Marissa kay Keanna, wala raw star complex. Hindi siya pa-star sa set, komo’t panahon niya ngayon. Maaga pa nga itong dumarating sa set. Humahanga rin si Direk Joven Tan dito, wala raw sakit ng ulo na naidulot ito during shooting. — Vir Gonzales

vuukle comment

AVON GARCIA

BEAUTY QUEEN

BINIBINING K

CANDY PANGILINAN

DENNIS PADILLA

DIREK JOVEN TAN

HUMAHANGA

KEANNA REEVES

MARISSA

MARISSA DELGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with