Matuto lang bumoto ang tao, malakas ang laban ng alaga ko sa Philippine Idol!
September 11, 2006 | 12:00am
Hanggang tenga yata ang pagmamalaki ko dahil napiling maging isa sa 12 semi-finalists ang alaga ko at dating co-host sa Walang Tulugan Kasama si Master Showman, Sabado ng hatinggabi, GMA7 na si Inah Pangan. At kung matututo lamang bumoto ang mga manonood, alam ko magiging maganda ang laban niya.
At manalo man siya, hindi kahiya-hiya dahil talaga namang magaling siyang kumanta, maganda pa, talagang magiging isang ideyal na Philippine Idol.
Sayang nga lamang at sa pagtitipid (retrenchment) sa programa kabilang siya sa nawala pero, hindi ko ito ikinalungkot dahil katwiran ko, talaga sigurong itinakda ito, para mabigyan niya ng panahon ang kanyang singing. Dun kasi sa show, hindi siya nakakakanta, puro hosting lang ang ginagawa niya, tulad din ng mga naiwang kasamahan niya na sina Sharmaine Santiago at Shirley Fuentes, mga magagaling ding singer pero, puro talkies ang ginagawa sa show.
Nang mapanood ko siya nung presentation night nung Biyernes ng gabi sa ABC 5, sabi ko ang galing-galing niya, di lamang dahil she was once a part of my show kundi talagang may nakatakda sa kanyang ibang bagay, baka nga yung Philippine Idol na. Sana nga matutong bumoto ang tao, para naman ang mga karapat-dapat ay mailuklok sa trono at di lamang yung may kakayahang mag-text ng marami dahil maraming pera.
Good luck, Inah!
Galit, hindi lamang ang staff ng Startalk sa ginawang pagharang ng direktor sa interview kay Gretchen Barretto para sa pelikula nitong Dilim, kundi maging ang mga tao sa likod ng nasabing pelikula.
Hindi pinayagan ng direktor na mai-ere si Gretchen dahil katwiran niya ay exclusive daw ito sa kabilang istasyon. Pero, ang ginawa naman nitong pelikula ay gawa ng OctoArts, kaya bakit hindi na lang pinabayaan? Tutal naman balita rin sana si Gretchen, marami itong maikukwento na pakikinabangan sa show. Hay naku.....
Hanggang ngayon umiiral pa rin ang ganitong sistema samantalang iilan lamang naman ang ipinalalabas na pelikula.Tama ba namang magmaramot?
Kawawa naman talaga si Sunshine Dizon na iniintriga na naman ngayon, dahilan ba sa nakuha nito ang malaking role sa Bakekang? Iniintriga ito dahilan sa madalas niyang pagkakasakit na batid naman ng management. So bakit dapat pa siyang palabasin na unprofessional?
Seryoso si Sunshine sa kanyang trabaho at lalong hindi siya pasaway kaya naman siya pinagkakatiwalaan ng GMA. Kahit nga talagang may sakit siya ay dumideretso siya ng taping para pahalagahan ang trust na ibinigay sa kanya ng network. Imbest na intrigahin siya ay bakit hindi siya bigyan, maski na ng benefit of a doubt at baka nga unfair lang kayo sa kanya. Mahirap bang kahilingan ito?
At manalo man siya, hindi kahiya-hiya dahil talaga namang magaling siyang kumanta, maganda pa, talagang magiging isang ideyal na Philippine Idol.
Sayang nga lamang at sa pagtitipid (retrenchment) sa programa kabilang siya sa nawala pero, hindi ko ito ikinalungkot dahil katwiran ko, talaga sigurong itinakda ito, para mabigyan niya ng panahon ang kanyang singing. Dun kasi sa show, hindi siya nakakakanta, puro hosting lang ang ginagawa niya, tulad din ng mga naiwang kasamahan niya na sina Sharmaine Santiago at Shirley Fuentes, mga magagaling ding singer pero, puro talkies ang ginagawa sa show.
Nang mapanood ko siya nung presentation night nung Biyernes ng gabi sa ABC 5, sabi ko ang galing-galing niya, di lamang dahil she was once a part of my show kundi talagang may nakatakda sa kanyang ibang bagay, baka nga yung Philippine Idol na. Sana nga matutong bumoto ang tao, para naman ang mga karapat-dapat ay mailuklok sa trono at di lamang yung may kakayahang mag-text ng marami dahil maraming pera.
Good luck, Inah!
Hindi pinayagan ng direktor na mai-ere si Gretchen dahil katwiran niya ay exclusive daw ito sa kabilang istasyon. Pero, ang ginawa naman nitong pelikula ay gawa ng OctoArts, kaya bakit hindi na lang pinabayaan? Tutal naman balita rin sana si Gretchen, marami itong maikukwento na pakikinabangan sa show. Hay naku.....
Hanggang ngayon umiiral pa rin ang ganitong sistema samantalang iilan lamang naman ang ipinalalabas na pelikula.Tama ba namang magmaramot?
Seryoso si Sunshine sa kanyang trabaho at lalong hindi siya pasaway kaya naman siya pinagkakatiwalaan ng GMA. Kahit nga talagang may sakit siya ay dumideretso siya ng taping para pahalagahan ang trust na ibinigay sa kanya ng network. Imbest na intrigahin siya ay bakit hindi siya bigyan, maski na ng benefit of a doubt at baka nga unfair lang kayo sa kanya. Mahirap bang kahilingan ito?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended