Meryll, Bernard, nagpakasal!

So in love nga siguro sina Meryll Soriano at Bernard Palanca, kaya kahit ayaw ng family ni Meryll na magpakasal agad ito, itinuloy din nila ang plano, dahil suportado naman sila ng family ni Bernard. Meryll naman is 24, Bernard is 26. A day before naganap ang kasalan, nakita pa ng aming source si Becbec, ang Mommy ni Meryll, kasama si Maricel Soriano sa ABS-CBN, pero hindi na raw siya nagkaroon ng chance na matanong ito tungkol sa sabi’y umalis na sa kanilang bahay si Meryll at tumira na kay Bernard, dahil umalis agad ito at katwiran daw nito ay hinihintay na si Maricel sa taping ng John En Shirley.

Nang ikasal naman sina Meryll at Bernard ni San Juan Mayor JV Ejercito, gusto pa sana nila itong ilihim, pero madaling nag-leak sa press, kaya pumayag na rin ang stepfather ni Bernard, si Dr. Lorenso Hocson na ma-interview si Mayor JV tungkol sa kasal. Isa nga raw sa tumayong sponsor ng bagong mag-asawa ang dating beauty queen actress na si Maritess Revilla Araneta at present din ang nakababatang kapatid ni Bernard, ang aktor na si Mico Palanca.
* * *
Totoo palang extended pa rin ang Bituing Walang Ningning ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN, at hindi lamang one week, tulad nang napabalita kundi three weeks. Dapat kasi ay matatapos na ito sa September 22, pero na-extend pa nga ito hanggang October 13. Pero kahit ito na-extend, tuloy pa rin sa Tuesday, September 19, ang showdown nina Sarah Geronimo as Dorina at Angelika dela Cruz as Lavinia, na gaganapin sa Araneta Coliseum. Although live itong mapapanood sa Araneta Coliseum ng mga magsisipunta roon, mapapanood pa ito sa finale ng teleserye.
* * *
Ayaw nang patulan ni Ogie Alcasid ang intriga tungkol sa kanila ng asawang si Michelle Van Eimereen. At ang bagong intriga na nahuli raw silang magka-holding hands ni Regine Velasquez habang naglalakad papunta sa isang concert. Nang makita raw ni Ogie na may mga nakakakita sa kanilang taga-media, binitiwan nito ang kamay ni Regine. Bakit pa raw niya bibitawan ang kamay ni Regine kung magka-holdings nga sila dahil may nakakita sa kanila? Ang totoo, hindi naman daw sila magka-holding hands nito. Dagdag naman ni Regine, sila nga raw ni Robin Padilla, sa shooting nila ng Til I Met You, kahit hindi sila naglalakad, magka-holding hands sila, bakit hindi yon natsitsismis?

Sa pagpirma nga pala nina Ogie at Regine sa Universal Records para sila ang mag-release ng kanilang IMusic, hindi kaya magtampo ang GMA Records sa kanila?

Show comments