But then, hindi lamang mga ordinaryong manonood ang pumuno ng sinehan kundi ilang mga celebrities na talaga namang gustong panoorin ng personal ang nasabing pakontes. Andun ang mag-inang Judy Ann Santos at Mommy Carol na Im sure narun sila bilang suporta kay Ryan Agoncillo, host ng PI. Ang galing-galing nito, kapag may komersyal at wala pa sa ere ang programa, nagagawa nitong entertain-in ang audience. Parang hindi ko lang type yung ginagawa niyang pagsasabing type niya si Pilita Corrales. Hindi cute kasi at kung ako si Pilita, sa edad ko, hindi na yun kapuri-puri.
By the time na lumabas ito, napili na ang apat na kasali sa grand finals. Sana, di tulad sa mens category na iisa lamang sa mga pinili ng judges ang lumabas at nakuha lamang ang apat dahil sa text votes. Kung ganun kasi, di na yun Philippine Idol kundi Philippine Text Idol at ang Philippine Idol ay isang singing contest na ang dapat manalo ay ang pinaka-magaling na singer at hindi yung may pinaka-maraming pera na pang-text. Dapat walang kama-kamag-anak o kapa-kapatid sa mga ganitong pakontes para ito maging credible.
Anyways, base sa aking pagmamasid at pakikinig nung Sabado ng gabi, pinaka-magagaling sa 12 sina Pow Chavez, Mau Marcelo, Ynah Pangan at a toss between Suey Medina at Armarie Cruz. Maganda ang boses ni Suey pero maling kanta ang pinili niya. Kung hindi sila napili, may diprensya ang mga texters, di kaya?
Tumanggap ito ng papuri mula sa Motion Picture Association of America, Inc. dahilan sa magandang trabahong ibinibigay niya simula pa nung pamunuan niya ang OMB nung Enero 2005.
Dahilan dito, personal pa siyang pinasyalan ni Mr. John Malcolm, MPA EVP for Global Anti-Piracy at sa kanilang pagkikita ni Edu, napag-usapan nila kung paano pa makakatulong ang organisasyong kinaaaniban nito sa ating gobyerno laban sa copyright theft o piracy.
Sa buwan lamang ng Agosto ay mahigit sa Php7,789,000.00 ang halaga ng dvd, OD, TV monitor, speakers ang nasamsam ng OMB sa kanilang raid sa Shoppesville, Greenhills, St. Francis Square, MRT Crossing, Mandaluyong at Metrowalk, Pasig.