Ayaw na ng sexy films!

Katatapos lang ni Joyce Jimenez ng kursong Management sa Australia at ngayon ay magagamit niya ito sa kanyang business sa bansa. Meron nang apat na branches ang Private Joyce sa SM Malls. Bukod sa underwear ay meron din siyang cologne business.

Nami-miss pa rin ng aktres ang showbiz pero never na siyang lalabas sa sexy films.
Malakas Sa Tao!
Saksi kami sa malakas na hatak ni Kim Chiu sa mga tao dahil masang-masa ang dating, simple lang at walang ka-make-up-make-up pero naroon ang karisma at inosenteng kagandahan.

Idagdag pa ang malakas na tambalan nila ni Gerald Anderson.

Kahit inili-link sila sa isa’t isa ay tahasang sinabi ni Kim na wala muna sa kanyang isip ang lovelife.

"Marami pa po akong pangarap sa buhay na gustong matupad. Gusto kong magtagumpay bilang isang artista," paulit-ulit na sabi ni Kim.

Inaasahan nang magiging box office success ang pelikulang First Day High.
Bagong Crush Ng Bayan
Ang lakas pala ng dating ng mga myembro ng Sponge Cola dahil sa album launch nito ay talaga namang pinagkaguluhan sila ng mga bagets. Meron pa ngang naka-school uniform na nagpapakuha ng picture kasama ang banda at nagpapapirma ng autograph.

Hindi naman pala ito kataka-taka dahil ang mga myembrong sina Yael Yuzon (lead vocals and guitars) ay hawig ni Robin Padilla: Gosh Dilay (bass and vocals); Erwin Armovit (guitars) at Chris Cantada (drums and vocals) ay mga Atenista. Maraming nakaka-relate na bagets sa kanilang mga awitin kung saan ang iba’y sarili nilang komposisyon.

Ang bago nilang "Transit" album mula sa Universal Records ay nagpapamalas ng kanilang maipagmamalaking musical abilities.
Blind Item: Nagsisisi Sa Pagparetoke Ng Boobs
Ayon sa isang reliable source, nagsisisi ang isang sikat na sexy star kung bakit pa niya ipinaretoke ang dibdib gayung katamtaman lang naman ang laki nito. Komo nakipagsabayan sa mga sexy stars noon ay nagpa-breast augmentation ito.

Tayung-tayo ang boobs nito at kahit anong ginagawa niya ay hindi ito gumagalaw bahagya man. Nahalata tuloy ng mga manonood na retokado ito.

Balitang gusto nang ibalik ng magandang sexy star sa dati ang boobs.

Show comments