Pagdating pa lamang nina Regine at mga kasama, nagkasalubong na sila ng Executive Vice President ng Universal Records na si Ramon Chuaying.
"Were back into each others arms," natatawang wika ni Regine. Kung natatandaan pa ninyo, marami ring inilabas na records ang songbird with Polycosmic na pinamunuan din ni Chuaying noon at sister company ng Universal Records.
Tila nga naging isang reunion ang nasabing okasyon. Nandoon din kasi si Ogie na nakapag-produce na rin ng mga plaka for Universal at si Cacai Velasquez na artist din ng Polycosmic. Kasama nila ang talent manager na si Leo Dominguez.
Noong magpipirmahan na at pinauupo na ang lahat ng kasali sa seremonya, tinawag agad ni Regine si Ogie at sinabing, ang presidente ang dapat umupo diyan. Si Ogie pala ang pangulo ng bagong tatag na Indie Music.
Ginanap na ang pirmahan, habang nakapaligid ang mga cameras ng lahat halos ng sikat na news programs at talk show sa TV. Sa kontratang yon, pinagkaloob sa Universal Records ang exclusive rights para maging distributor ng music company nina Regine at Ogie. Maganda ang logo ng bagong music companybastat isang malaking letrang I, katabi ang salitang music.
Pinahayag nina Regine na ang maiden release ng Imusic ay ang original soundtrack album ng Till I Met You na unang tambalan nina Regine at Robin Padilla.
"Mga pitong kanta ang sa akin sa OST album," sabi ni Regine. "May duet pa kami ni Binoe."
Guest performer din sa soundtrack album si Dennis Trillo, na tinatapos na rin ang kanyang debut album for Imusic.
Tinanong kung magkakaroon ng duet album sina Regine at Ogie at sinabi nilang wala pang plano in the near future. Baka sakaling sa isang taon pa.
Nabanggit din ang napabalitang pelikula ni Regine sa Star Cinema, with Piolo Pascual.
"Naka-set na nga ang isip ko to that project," pagtatapat ni Regine. "Akala ko yon na ang susunod na pagkakaabalahan ko. Excited na kasi akong maka-partner si Piolo. Dumating ang Till I Met You at ito nga ang nauna at very happy naman ako sa aming trabaho ni Robin. Wala na akong hihilingin pa sa mabuting pakikisama ng aking bagong leading man, pati na sa galing niyang umarte."
Sa contract signing ay kasama ang Universal Records general manager Kathleen Dy Go, UR operations manager Peter Chan at UR OPM manager Ito Rapadas.