Zsa Zsa Zaturnnah, unang inalok kay K Brosas!
September 8, 2006 | 12:00am
Nakatanggap kami ng text messages mula sa viewers ng Pinoy Dream Academy at inirereklamo nila ang Sunday episode na pinag-uusapan daw ng scholars habang kumakain ang tungkol sa pag-utot. Napakawalang manners naman daw ng mga ito dahil sa hapag-kainan pa pinagdiskusyunan ang tungkol dito, hindi raw ba sila sinisita ng kanilang masters?
Hindi kasi namin napanood ang nasabing episode, pero may nagreklamo na rin sa aming kasamahan sa trabaho na hindi rin niya nagustuhan ang ginawa ng scholars na napapanood pa naman daw sila sa buong mundo, anong klaseng aral daw ang mapupulot sa kanila?
May punto ang mga nagrereklamo dahil pupwede nga namang pag-usapan ang tungkol sa pag-utot kung wala sa hapag-kainan. Dapat nago-observe sila ng table manners/etiquette.
Anyway, ang tinaguriang pasaway ng grupo na si Yeng Constantino ng Rizal ay napatawag na sa office ni master head Jim Paredes dahil inireklamo siya ng staff ng PDA.
Sa nakaraang 1st Gala Performance kasi ng grupo ay dumating ang kani-kanyang pamilya ng bawat scholar para mapanood sila sa kanilang live concert, pero may regulasyon na hanggang tingin at kaway lang ang magagawa ng bawat estudyante, bawal lapitan o kausapin ang kanilang kaanak.Nag-iiyak si Yeng after the show nung hindi siya nalapitan ng magulang niya. Pilit naman siyang inaalo ng PDA staff pero tinabig daw niya ito at bawal yun kaya ipinarating sa master heads office.
Humingi naman ng dispensa si Yeng kay master Jim at ipinaliwanag nga niyang sobrang na-miss niya ang tatay niya. Pinatawad naman siya.
Nalaman naming si K Brosas pala ang unang inalok para sa lead role sa musical na Zsa Zsa Zaturnnah na napunta kay Eula Valdez.
Kwento sa amin ng taong nakakaalam ng buong istorya, "Pinapunta si K sa CCP na akala niya ay mago-audition lang siya, pero sinabihan siya ng stage director na napili na siya.
"In fact, pinadalhan na siya ng original script at schedules ng rehearsals at shows, kaso hindi pumwede ang lola K mo kasi maraming masasagasaang trabaho.
"Hindi siya pinayagan ng manager niya kasi for two months yun at araw-araw ang rehearsals at show sa gabi, e, at that time, sangkaterba ang shows ng hitad, e, mas nauna yung mga yun, so back-out siya.
Sa movie rin na Zsa Zsa Zaturnnah ng Regal, dapat ka-join din siya, hindi ko lang alam kung anong nangyari," detalyadong kwento sa amin.
As of this writing ay wala pang inilalabas na official statement ang Star Magic tungkol kay John Wayne Sace na inireklamo ng kanyang kapitbahay sa Barangay Sagad, Pasig City dahil sa panggugulo at pambabato ng bahay nila dis oras ng gabi last Tuesday night, September 5.
Ayon sa PR Directress ng Star Magic na si Rikka Dylim, "Wala muna as of this time, me legalities ito, but Star Magic will issue official statement definitely. No comment muna." Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended