Star Olympics, di matuluy-tuloy, walang mag-sponsor!
September 8, 2006 | 12:00am
Delayed na naman ang Star Olympics, na dapat sanay ngayong buwang ito gagawin. Ang dahilan wala raw makuhang sponsors ang producers. Eh bakit ka pa nga ba naman gagawa ng isang project kung malulugi ka lang?
Maraming dahilan kung bakit walang makuhang sponsors ang Star Olympics. Una, talagang nagbawas naman ng advertising budget ang mga kumpanya. Ikalawa, parang wala na ring gana ang mga sponsors dahil wala ni halos nakikitang malalaking stars sa Star Olympics.
Minsan nga ang mga nananalo, ipagtatanong mo pa kung sino. Karamihan sa mga naglalaro ay mga bitplayers lamang, mayroon pa ngang ilan na hindi naman talaga artista kundi hugot lang, o iyong isinasali lang pamparami at para mas lumakas ang basketball team na siya namang pinaglalabanan nila.
Noong mga nakaraang taon, kaya may sumasali pa kahit na papaano, si Kuya Germs mismo ang naglalakad para kumbinsihin ang mga stars na sumali sa laro. Hindi naman natin maikakaila na karamihan sa mga yan ay natulungan din ni Kuya Germs kaya hindi sila maka-hindi,eh ngayon mukhang malabo pa raw na may maglarong malaking stars. Doon sa narinig naming kwento, mukhang magiging starless olympics yan, kaya siguro ayaw pumasok ng mga sponsors.
Kailangang mapagsikapan nilang maituloy iyan dahil ang kinikita niyan ay siyang sumusuporta sa panggastos ng kanilang guild. Kung hindi nila itutuloy, problema pa, tapos kung hindi matutuloy ngayon yan, nakakahiya. Isipin ninyo na napakatagal na niyang Star Olympics, tapos sa panahong ito na medyo bagsak na nga ang industriya ay saka pa nila ititigil.
May mga usap-usapan na kung napigil daw sa pamamagitan ng TRO ang FAMAS Awards, may balak naman daw ang kabilang faction na pinangungunahan ni Jimmy Tiu na magbigay din ng awards sa susunod na buwan. Hindi naman yan kumpirmado pa dahil wala pang nababalitang nagri-review sila ng mga pelikula, unless nakapag-review sila na gumagamit ng video.
Ok sana iyang pagbibigay ng awards ng FAMAS, kahit na sinong faction pa ang magbigay ng award, pero ang dapat linawin muna nila, sino ba ang lehitimong FAMAS?
Madalas daw na makitang naka-istambay sa Paseo de Roxas sa Makati ang isang male TV host, at kasama siya sa umpukan ng mga call boys doon. Hindi naman sinasabing bading siya, pero ang suspetsa ng mga nakakakita, mukhang suma-sideline siya roon at nagpapahagip sa mga foreigners na bading. Noong araw pa nababalitang ginagawa na niya ang ganyan, kasi naging addict naman yan. Hindi namin alam na ngayong matanda na siya ay ganoon pa rin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended