Sa serye, tatangkaing iligtas ni Pedro Penduko ang kanyang ama sa kamay ng masasamang engkanto sa kaharian ng Floreshka.
Nanood siya ng mga pelikulang may mga ganitong tema (Macho Dancers, Sibak, Burlesk King) bilang paghahanda sa pelikula. Nag-workshop din siya at nagaral ng macho at ballroom dancing.
"Naging DI ako kasi ng mga matrona sa movie pagkatapos na ma-dethrone ni Tyron (Perez) bilang star macho dancer," ani Allen who is optimistic sa kahihinatnan ng Twilight Dancers sa sasalihan nitong Toronto International Film Festival.
Nag-gay bar tour din si Allen at dito niya nakita ang buhay ng mga macho dancer. Nagpapayat din siya ng husto para maging fit sa role niya at hindi mapag-iwanan ng mga bagets na kasama niya sa pelikula (Tyron, Lauren Novero, JE Sison, Terence Baylon, Kris Martinez). Hindi naman nasayang ang efforts niya, the movie will more then prove na sexy pa rin si Allen.
Pagkatapos makatanggap ng papuri sa kanyang mga pagganap sa ibat ibang teleserye at drama anthologies at tagumpay sa boxoffice bilang kabahagi ng Sukob, ipakikita niyang muli ang galing niya sa isang youth oriented movie, ang First Day High na tatampukan ng lima sa pinaka-sikat na young stars ngayon, siya, si Kim Chiu, Gerald Anderson, Geoff Eigenmann at Jason Abalos. Mula sa direksyon ng bagito pero napakagaling na si Mario Cornejo at sa panulat ni Jade Castro.
Isang sosing high school stude si Maja, brainy naman si Kim, MVP si Gerald, Mr. nice guy si Jason at rebel boy naman si Geoff.
Palabas sa Set. 27 sa mahigit na 100 na sinehan. VERONICA R. SAMIO