Sa kabilang banda, ayaw na nitong paapekto sa mga naninira at bumabatikos sa kanya na nagsasabing hindi naman siya gaanong close sa namayapang ama.
"Hindi po ako pumasok ng showbiz para gamitin ang aking ama. Gusto ko lang po na matupad ang aking mga pangarap," aniya.
Sinabi rin nito na meron na siyang bagong negosyo, ang KSA Whitening Soap kung saan nanggaling pa sa Kingdom of Saudi Arabia ang ingredients.
Sawa na si Gladys sa kapapahid ng kalamansi sa balat kaya nagpasyang magnegosyo na lang ng sabong pampaputi. Tutulungan siya ng asawang si Christopher Roxas pagbalik ng bansa.
Nasa Japan ang aktor kung saan nagtatrabaho ito sa restoran ng kanyang auntie bilang chef. Magaling magluto ang asawa ni Gladys. Nami-miss ni Chris ang asawa at ang pagkagwapu-gwapong baby nila kaya uuwi na rin ito.
Ang ending, suspendido rin ito! Yun nga lang imbes na isa o dalawang buwan ay naging tatlong linggo lang.