Piolo, Angel, magkatambal!

Follow-up uli ito sa babaeng naanakan ni Jeremiah Rosales na si Ethel Gonowon na finally, nag-text na raw sa kanya ang struggling actor, pero hindi para makipag-ayos kundi para awayin siya.

"Nag-text po ate Reggs, magdemandahan na lang daw kami. Idedemanda niya ako ng paninirang puri, ano po ba ang sinira kong puri sa kanya, e, siya nga ang hindi tumupad sa obligasyon niya bilang ama sa mga anak namin?" tanong sa amin ni Ethel.

At kung hindi magbabago ang plano ay bukas, Miyerkules sa Antipolo Fiscal Office, nakatakdang mag-file na ng maraming kaso si Ethel laban sa pamilya Rosales.

Samantala, pilit namang kinukunan ng pahayag si Jericho Rosales ng mga katoto tungkol sa gulo ng kapatid niya at planong pagdedemanda sa ina nilang si Gng. Rose Rosales ng hilaw niyang hipag, "No comment, haven’t talked to Jeremiah pa.  Pag-uusapan pa namin ang lahat," say daw ng actor.
* * *
"Ang pakiramdam ni Angel Locsin nang muli siyang tumuntong sa opisina ng San Miguel Corporation sa Ortigas last Friday night dahil dati na raw siyang nagpupunta’t naglalaro roon nung bata pa siya. Kinuha kasi siyang ka-partner ni Piolo Pascual sa tv commercial ng San Mig Coffee na umeere na ngayon.

Dating empleyado ng San Miguel Corporation ang daddy ng aktres bago ito nagkasakit at in-charge sa sports events at bitbit nga lagi si Angel noon kaya naging hilig din niya ang sports, lalo na ang swimming at naging varsity siya ng University of Sto. Tomas High School department at ipinadala sa Hongkong for competition.

Say nga ni Angel ay hinding-hindi niya makakalimutan ang opisinang SMC dahil memorable ito sa kanya.

Kita mo nga naman ang pagdating ng panahon, kelan lang ay tumatakbo-takbo lang si Angel sa SMC office para maglaro, ngayon ay heto endorser na pala siya ng isa sa produkto ng SMC. – REGGEE BONOAN

Show comments