Hiwalayang Willie Revillame at Liz Almoro, confirmed

Confirmed na hiwalay na ang komedyanteng si Willie Revillame sa asawang si Liz Almoro. Ayon sa source, confirmed na almost a month nang hindi nagsasama ang mag-asawa na kamakailan lang nagpakasal.

Sinuong ni Liz ang napakaraming intriga sa kanyang asawa bago pa man ang kanilang kasal kabilang na ang kabi-kabilang demanda at ang trahedyang nangyari sa ULTRA pero nauwi rin sa hiwalayan ang ending ng kanilang love story.

Matagal na pala ang issue pero instead na harapin ang issue, mas concentrated daw ang komedyante sa anak na si Meryll na ibinulgar pa ang umano’y pagti-take nito ng drugs kasama ang boyfriend na si Bernard Palanca.

Wala raw kinalaman sa pera or babae ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa kundi ang umano’y pananakit ng komedyante sa asawang galing sa angkan ng maykaya at anak ng isang government official. "Sabi nga nila di ba, you can never teach old dog new tricks," sabi ng source.

Actually, hindi raw ito ang unang pagkakataon na naghiwalay ang dalawa. Ayon sa source, ilang beses nang nag-alsa balutan si Liz sa bahay na ipinagawa ng kanyang nanay para sa kanilang mag-asawa pero, parati raw itong bumabalik dahil mahal nito ang komedyante.

Pero hindi raw ito nakatiis sa last encounter kaya tuluyan nang nilayasan ang komedyante.

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata...
* * *
Magkakasamang nanood ng concert ng APO Hiking Society, the APO Experience last Saturday night sa Premiere Cinema ng Mall of Asia sina Bing Loyzaga, Amy Perez, Maila Gumila and a guy friend. Puna ng friend kong kasamang nanonood, nangayayat si Bing Loyzaga. Yup, obvious na nangangayayat ang ex-wife ni Janno Gibbs. Balitang inaayos na ang annulment ng dating mag-asawa. 'Yun kaya ang rason ng pangangayayat niya?

Si Amy Perez naman, tungkol din sa annulment ang problema matapos i-junk ng Supreme Court ang kanyang petition laban sa dati niyang asawang si Brix Ferraris. Eh si Maila kaya, anong balita?

Remember, co-host ng APO sa San Linggo nAPO Sila sina Bing and Amy kaya siguro nanood sila ng nasabing concert.

Anyway, agad may kontra sa issue kay Jim Paredes na hindi nito nagustuhan ang revival ng mga kanta nila ng mga banda like Parokya Ni Edgar, Orange and Lemons, among others. Sabi raw ni Mr. Paredes, Head Master ngayon ng Pinoy Dream Academy na the new bands changed their songs and he found them strange to his ears but it did not make him angry naman daw. Hindi rin daw maintindihan ni Mr. Paredes why he was misinterpreted pero kung makakatulong ang controversy para mas lalong bumenta ang album under Universal Records ng "Kami nAPO Muna", okey lang daw according to a friend na nakausap ni Mr. Paredes.

Pero sabi nga ni Mr. Paredes during the concert, lahat maganda ang revival sa nasabing album na hindi naman lahat kinanta nila during their concert last Saturday.

Iilan lang sa mga ni-revive ang kinanta nila.

Five months ago pa nang huli silang mag-concert sa bansa. After that ay nagkanya-kanya muna sila. Si Jim ay nag-migrate sa Australia, si Danny Javier according to them ay single uli (obviously kakapa-annul pa lang niya) at si Buboy Garovillo, nahilig sa ballroom dancing.

Pero dahil sa album na inilabas ng Universal Records, pati raw grade six ngayon, tumatawag sa radio stations para mag-request ng kanta nila.

Sabi pa ni Mr. Paredes, very flattering pero may kasamang pressure dahil mas maraming bata na ang may alam ng kanta na sa true lang ay muntik ngang makalimutan kung hindi naglabas ng album ang Universal Records. More than three decades na sila sa music industry, thirty eight years to be exact na silang magkakasama.

But in fairness, hindi lahat oldies ang nanood last Saturday. Marami ring young na malamang influence ng tribute album nila.

First time kong nakapanood ng APO concert at enjoy naman. Marami pala silang jokes na nakakatawa. Maganda rin ‘yung medley nila ng mga folk and cultural songs na nilagyan nila ng modern sound. It was fun.

After the Saturday night concert, may mga naka-schedule pa silang concert.

By the way, ni-repackage na ang "Kami nAPO Muna." Kasama na ang original nilang kanta sa isang CD.

Thanks nga pala to Ms. Girlie Rodis na nag-provide ng ticket for us P800 sa nasabing concert. Special thanks also to Mr. Steve Uy of SM Cinema Snack Bar.
* * *
May pagka-lukring din pala ang isang komedyante. Kasi pag nalalasing pala ito, hindi lang sa lalaki nakikipag-kissing. Kahit daw sa girl, tino-torrid kiss nito pag lasing na. Witness ang friend ko kung paano nito hinalikan sa lips ang fan na gustong magpa-picture sa kanya. Hindi raw nakapagsalita ang friend ko sa ginawa ng komedyana dahil shocked siya. Wala naman daw nagawa ang fan dahil sobrang lasing na ito.

Isa pang kagagahan na ginawa ng actress ay nang magdala siya ng aso sa kanyang provincial show. Since by air sila papuntang probinsiya, kailangan pang i-quarantine ang dog. So naisakay sa plane ang dog. Pero ang siste, pagdating sa probinsiya, siyempre hindi puwede sa hotel. So para mailusot ang check in, inilagay daw ng komedyana ang kanyang favorite doggy sa mga dala nilang gamit. True enough, nakalusot sa security ng hotel. Pero ang problema, iniwan daw nito sa hotel room ang aso.

Siyempre, nga naman pag iniwan mo ito, siguradong magngangatngat ito ng carpet sa hotel room. Ayun, pagdating ng komedyana sa hotel room niya, sira-sira na ang mga carpet. Ang ginawa para ma-hide ang ginawa ng alaga niyang puppy, tinanggal ang carpet na gulanit at inilagay sa trash can. Pero hindi nakalusot sa Housekeeping kaya isinumbong sa management ang ginawa ng komedyana at ng kanyang puppy.

Sus kabaliw pala itong komedyana. Siguradong pinagbayad siya ng nasirang carpet ng management ng nasabing hotel.

Weird…
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: salve@philstar.net.ph

Show comments