Nung Biyernes sa Penshoppe rock concert ay naaksidente siya nang mabagsakan siya ng soloista ng 6Cyclemind habang kumakanta ito at siya naman ay naghihintay na tawagin para sa kanyang number sa isang hydraulic lift. Nakatalikod sa kanya ang singer kaya di nito nakita na nasa bingit na siya ng stage at wala nang uurungan pa. Nahulog ito at bumagsak sa kanya. Kundi sa kanya at kay Jericho Rosales na nasa mas mababang bahagi ng stage at binagsakan din ng singer ay baka nagkalasug-lasog ang katawan nito sa mga bakal na babagsakan sana niya.
Nabanat ang mga ligament at muscles ni Heart sa leeg kaya nilagyan siya ng brace sa St. Lukes na kung saan siya ay dinala. Pero bago ito ay nagawa pa niyang rumampa para sa Penshoppe, yun nga lamang dahil groge pa ay dalawang beses siyang nadapa pero bawat dapa niya ay sinuklian ng malakas na palakpakan ng audience. Yung farewell walk niya ay sinuklian ng masigabong palakpakan at pagbubunyi.
Sa St. Lukes ay dumating ang presidente ng Penshoppe para personal siyang asikasuhin. Dumating din si Gary V. na kagagaling lamang sa isang concert para siya alalayan. Syempre, hindi nawala sa kanyang tabi si Echo.
Nung Linggo ay naka-neckbrace pa si Heart bago siya umakyat ng stage ng Philippine Idol na kung saan mula Lunes hanggang Biyernes ay magbibigay siya ng update ng show.
Kahit masakit pa ang leeg ay pinilit niyang huwag mahalata ang kanyang dinaramdam, kaya lamang marami siguro ang nagtaka kung bakit tabingi ang ulo niya at pilay siyang lumakad nung makababa ng stage na kung saan ay maling isinuot sa kanya ang kanyang neckbrace.
Sa pelikula, pangarap ng grand winner ng Pinoy Big Brother na maging isang prinsesa at dahil sa isang di maipaliwanag na pangyayari ay mukhang magkakaron ito ng katuparan with matching bonus na prince charming na gagampanan ni Troy Montero.
Kasama nila sa movie sina Jimmy Santos, Dennis Padilla, Candy Pangilinan, John Lapus, Jojo Alejar, Marissa Delgado at marami pang iba. Direksyon ni Joven Tan.
Samantala, happy si Keanna sa kanyang Frenchman boyfriend na si Sofian na kahit di niya ma-spell ang name ay ipinagmamalaki niya ang kagwapuhan.
"Ang gwapo niya talaga kaya pinag-aagawan siya ng mga agencies. Gusto rin siyang i-manage ni Boy (Abunda her manager). Pero, wala ito ngayon at may trabaho sa ibang bansa. Babalik ito para sa bachelors Cosmo fashion show.
"Hindi na ako matsitsismis na nagdadatung dahil, malakas siya kumita. At hindi niya alam kung sino ako nang una kaming mag-meet. Nagulat na lang siya nang mabasa ang sarili niya sa dyaryo, dun lang niya nalaman na artista ako," ani Keanna.