Nang magdaos ng kaarawan ang magandang aktres ay binigyan ito ng surprise party ni Mark. Higit sa lahat may bonding na ang pamilya ng aktres sa gobernador at dinala pa nito ang mga magulang ni Tanya sa Pampanga at ipinakilala sa kanyang pamilya.
Kunsabagay bagay naman ang dalawa at pareho silang loveless ngayon. Boto naman ang pamilya ng aktres kay Gov. Mark dahil mabait ito at magalang.
Sa kabilang banda, abala si Mark sa syuting ng Tatlong Baraha under Violett Films na magiging entry nito sa darating na Metro Manila Film Festival kasama sina Sen. Lito at Meynard.
Maganda ang simula ng magandang dalagita dahil bukod sa pagiging magaling na singer ay binigyan agad ito ng malaking break ng Syete para gawing bida sa Love To Love Musicale (Jass Got Lucky) katambal si Cogie Domingo.
Paano niya ilalarawan si Cogie?
"Sobrang bait niya at sobrang lambing. Kilala na siya ng mommy ko at ipinakilala na nya ako sa kanyang pamilya," sey ni Lovi.
Lagi nitong tinatandaan ang bilin ng ina na maging matatag sa pagharap sa mga intriga.
Natutulog na ito ng 6NU at minsan sa sobrang puyat ay nakakatulog ito sa mesa o hapag kainan na may nakasubong kutsara sa bibig. Ibang klase ang oras ng kanyang tulog at itoy ginagawa sa araw kaya di masisisi kung bakit naka-shades ito minsan kapag may show lalo na sa tanghali para takpan ang mata na marahil ay maga dahil sa puyat.
Buhay na buhay ang singer-comedian sa gabi dahil grabe ang insomia nito. Minsan ayon pa sa aking source ay naiiyak ito sa pagka-imbyerna dahil gustuhin man niya ng normal na pagtulog sa gabi ay di naman niya magawa.
Magaling na singer at komedyante si ____________ na ratsada sa telebisyon gayundin sa mga shows o concert sa loob at labas ng bansa. Galing ito sa angkan ng mga artista.