"Saan nyo nakuha ang balitang yan? Hindi yon true. Wala pa kaming planong magpakasal ni Jeremy. Oo, minsan napapag-usapan lang, ganun. Oo kung ako ang masusunod, gusto ko, si Jeremy na nga ang makakasama ko habambuhay, pero hindi naman natin hawak ang buhay natin. We really dont know what will happen next," pahayag ng batang aktres nang makausap namin siya sa taping ng Now and Forever.
"Kung mag-aasawa ako, 25 years old na ako. 22 na ako ngayon, so three years pa bago ako magse-settle down. Dati, 28 years old ako ang gusto ko, pero na-realize ko baka masyado na akong luma pag ganun na ang age ko," patuloy pa niya.
Paano yung isyu na may lupa na silang binibili ay may joint bank accounts na sila ng anak ni Joey Marquez?
"Wala kaming joint account. Ayoko nga, lugi ako. Mas malaki ang kita ko kaysa sa kanya. Joke lang," na-tawa kaming lahat sa birong yon ni Alex.
Maingay ang isyung papasok na rin sa pulitika si Jeremy. Su-sundin daw nito ang naging yapak ng ama. Sa kasalukuyan, ba-rangay kagawad ito sa Parañaque.
At balitang tatakbo itong barangay chair-man pagdating ng ba-rangay elections at ang pagpasok nito sa pulitika ay hindi raw nagustuhan o sang-ayon ang kapatid ni Assunta de Rossi.
"Actually, ayoko talaga. Magulo at ma-rumi kasi ang pulitika. Pero kung gusto niya, eh wala akong maga-gawa. Ayoko lang uma-bot sa puntong mag-kakaroon ako ng body-guard. Hindi ako sanay sa ganung set-up," pagtatapos ni Ales-sandra de Rossi. Boy Romero