Hanggang sa sinusulat ito ay di pa nagkikita sina Rufa Mae at Rudy Hatfield. Sa bagay na ito nagkakaisa ng opinyon sina Erik at ang mother ni Rufa Mae na dapat ay di na makipagkita rito ang sexy actress pero, kung sakali man na hindi ito maiiwasan, "Sasamahan ko siya," pangako ni Erik.
Sa Sept. 15,16 pa ang When Erik Met Rufa concert ng dalawa sa Music Museum pero, mag-iisang buwan nang nagri-rehearse para rito si Rufa Mae samantalang one week before the concert lamang sasabak sa rehearsal ang Prince of Pop.
"Siya pwede, sanay na siyang mag-concert pero, ibang level na to kaya gusto kong paghandaan," sabi ng sexy comic.
Ang When Erik Met Rufa will somehow tell the love story of its two main stars na nagsimula lamang sa isang halik.
"Sa kanyang first major concert, tinukso niya kami ni Mark (Bautista) na halikan siya. Sabi ko pagkakataon na yon, di na mauulit yon. Si Rufa Mae, pwedeng halikan? Kaya sinamantala ko na," kwento ni Erik.
Sa Sept. 15 guest sina Aiai delas Alas at Regine Velasquez. Sina Wally, Jose at Ogie Alcasid naman sa Sept. 16. Kasama rin ang Hotlegs na binigyan ng mahihirap na production numbers ang dalawa. Si Louie Ocampo ang musical director at direktor si Bong Quintana.
Eleven yrs. old si Eliza at naging batang Desiree del Valle sa Bituing Walang Ningning, batang Angelica Panganiban sa Vietnam Rose at batang Bea Alonzo sa Maging Sino Ka Man. Pinakamagandang movie na ginawa niya para sa kanya ang Til There Was You at pinakamagandang palabas sa TV ang Goin Bulilit. Grade 4 siya sa Ann Harbour Montessoori Swing Heritage.
Eight years old naman si Mikylla, isang look-alike ni Judy Ann Santos at isa sa Top 5 Questors. Mahaba ang listahan ng mga ginawa niyang komersyal. Nasa home study program siya ng Angelicum College, Grade 2 siya.
Ang PPS applicants ay dapat nagtataglay ng isang kakaibang galing sa pag-awit, versatile, at may edad 15-23. Magdala lamang ng birth certificate, litrato at minus one CD sa audition.
Ang engrandeng audition ay gaganapin sa Premiere Cinema ng SM Mall of Asia simula 10NU. Makikita sa audition sina Jonalyn Viray, Gerald Santos, mga grand champions ng PPS na magbibigay ng isang mini concert at mga finalists nila at ang mga judges na sina Danny Tan. Director Floy Quintos at director Ronnie Henares.
Pinabulaanan naman ito ni Edu sa isang telephone conversation.
"Walang ganitong pangyayari, hindi naman ako papayag na makuyog. Ang nangyari, marami sa nagbibenta ng mga pirated tapes ay nagalit dahil bakit daw namin kinukumpiska lahat ng tinda nila? Bakit daw di kami magtira? Ipinaliwanag ko sa kanila na hindi naman maaaring pakonti-konti lamang ang mga kukunin naming pirated CDS.
"Tungkol naman sa sinasabi nilang pinagbabayad sila sa mga nakukumiskang tinda nila, sinabi kong hindi ako naniniwala. Baka nga kako kahit di sila na-raid ay sinasabi nilang sa kanilang mga suppliers na nawala ang tinda nila. Kumita pa sila dahil, yung mga kinuha nila na sinasabi nilang nawala ay di na sa kanila pababayaran," anang matapang na chairman, na bagaman at ang trabaho ay talagang naglalagay sa kanyang buhay sa peligro ay malabis ang pag-iingat para di malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Meron naman siyang suporta ng mga pulis kapag nagsasagawa sila ng raid.