Trip for two sa New York na may kasamang $1,000 na pocket money. Alamin ang mechanics at kung paano makakasali sa texting promo na ito.
Kailangan lang manood Lunes hanggang Biyernes at i-text ang sagot sa trivia questions. Sa SOP sa Linggo, malalaman kung sino ang mananalo.
Sa susunod na linggo, malalaman na kung may resolusyon ang kaguluhang nagaganap sa buhay at pag-ibig nila Polly (Jolina), Albert (Marvin), Natalie (Jennylyn) at Baste (Mark). Matalo kaya ni Polly si Chi Chi (Arnel), ang pinakamatindi niyang kumpetisyon sa big time fashion show? At ligtas na kaya si Albert sa kanyang sakit? Matuloy kaya ang kasal nina Natalie at Seb (Alfred)? Masasagot lahat ito ngayong linggo.
Samantala, nakatakdang mapanood na sa Miyerkules, Setyembre 6 ang Eternity na kung saan ay tampok ang tambalan nina Mark at Jennylyn at ang isa pang tambalan nina Iza Calzado at Dingdong Dantes. Matatandaang, inurong ni Mother Lily ang playdate ng kanyang pelikula para hindi sila magkasakitan ng Star Cinema na ipinalabas naman ang You Are The One nina Sam Milby at Toni Gonzaga.
Napaganda pa ang Eternity dahil nag-reshoot si direk Mark Reyes ng ilang mga eksena na inaakala niyang kailangan pa ng konting kilig sa mga eksena ng dalawang magkapareha.
Di naman masyadong maingay ang tunog ng banda at good looking lahat ng myembro na pawang mga mag-aaral sa mga pangunahing unibersidad sa Maynila.
Di pangalan ng bulaklak ang pangalan nila kundi pangalan ng tinapay na kinain nila minsan sa isa nilang rehearsal. Nasarapan sila sa tinapay kaya tinanong ang nagluto nito kung ano ang pangalan at Callalily nga raw.
Isa nang recording artist ang grupo ng Sony BMG, ang debut album nila ay pinamagatang "Destination XYZ" na lahat ng kantang nakapaloob ay gawang lahat ng myembro (Kean Cipriano, 18, vocals; Aaron Paul Ricafrente, 19, bass; Tatsi Jamnaque, 18, guitars; Alden Acosta, 17, guitars at Lemuel Belaro, 19, drums). Tulad ng "Stars" ni Lemuel na nag-no. 1 sa MYX. Siya rin ang sumulat ng "Magbalik", at "Pasan", adaptation ng "Footprints in the Sand". Kontribusyon naman ni Kean ang "Kung Kaya Ko Lang", "Sanctuary", "Cool Off", "Yakap" at "Take My Hand". Ang babaeng bumigo naman sa puso ni Alden ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng "The Final Song" at "Insane".
Bawat kopya ng album ng Callalily ay may kasamang dog tag sa mga Odyssey at O Music stores.