"Hindi naman po ako nag-deny nang tanungin kung totoong may relasyon kami ni Alfred. Pero, nitong Agosto ko lang siya sinagot. Napag-kasunduan naming dalawa na huwag nang itago ang relasyon namin dahil wala namang masama. Mabait si Alfred, malambing at concerned talaga sa akin. Tinutulungan niya ako sa aking trabaho bilang artista at higit sa lahat, sa aking pag-aaral. Isa pa, boto sa kanya ang mommy ko at maganda rin ang pakikitungo sa akin ng kanyang pamilya," anang aktres.
Inamin din ni LJ na may bahagyang kirot sa puso kapag nalamang may passionate kissing scene ang nobyo sa ibang kapareha gaya ni Katrina Halili sa pelikulang Gigil.
"Normal naman na magselos ako dahil mahal ko si Alfred kaya lang, kailangang intindihin ko ang trabaho ng isang artista," sey pa nito.
After I Luv NY ay naghihintay pa ng bagong project si LJ.
"Talagang naninigaw ako kapag na-late ang artista ko. Walang super-superstar sa akin. Gusto ko kasi silang matuto at bigyan ng halaga ang kanilang mga trabaho. Kaya makikita mo na ang ibang artista ay nami-maintain ang kasikatan dahil mahal nila ang kanilang trabaho. Yung iba akala moy wala nang katapusan ang kasikatan kaya hindi minahal ang trabaho. O, nasaan na sila ngayon?" anang director.
Sa mga kabataang artista, saludo si Direk Louie kina Mark Herras, Jennylyn Mercado at Marky Cielo dahil mahal nila ang trabaho nila.
Bukod sa Sis na nagdiwang ng 5th anniversary ngayon, siya pa rin ang director ng Pinoy Pop Superstar, Mel & Joey, SOP Gigsters at I Luv NY.
"Sana narito si Daddy para makapiling ko. Nasa Japan ito at dun nagtatrabaho at siyam na taon na kaming hindi nagkikita. Tuluy-tuloy naman ang komunikasyon namin. Wish ko na sanay dumalo siya sa aking debut next year," aniya.
Mainstay si Rea ng Posh ng QTV 11 at paboritong i-guest sa Maynila at SOP Gigsters. Model siya ni Rusty Lopez dahil bukod sa maganda ay matangkad pa rin ito. Pangarap niyang maging stewardess kaya lang inagaw siya ng showbiz.
Late nang dumating sa taping ang aktres at nang tanungin kung bakit siya late ay sinabi nitong "Nagpa-foot spa pa kasi ako."
Lalong naimbyerna ang director kaya sinermunan ang pasaway na aktres.