Isang musical ang episode nina Cogie at Lovi na nagtatampok din sa maraming bagets (Bianca King, Ryza Cenon, Iwa Moto, Gian Carlos, Chuck Allie, Vaness del Moral, Arci Muñoz, Nikki Bacolod at Alyssa Alano) at ng beteranong si Joey Marquez.
Tungkol sa friendship, love at mga dreams ng mga bagets sa buhay na puno ng mga nakakakilig na eksena at kantahan, tampok ang mga orihinal na komposisyon ni Ogie Alcasid.
Tungkol din sa isang pilay na ulila, si Jasmine, na nagtatrabaho sa kantina ng isang iskwelahan. May maganda itong boses pero, dahil may kapansanan, props girl lamang siya sa mga palabas ng school. Babaguhin ang kapalaran niya ng isang pares ng magic high heels, sisikat siya pero hahadlangan siya ng campus queen at ng grupo nito. Palabas na sa Linggo, pagkatapos ng SOP Gigsters.
Ngayong Setyembre, itatampok ng paisa-isa ang mga "hari" ng network na sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, Sam Milby at Zanjoe Marudo sa limang istorya na kung saan ay bibigyan sila ng mga bagong kapareha. Layunin ng palabas na bigyan ng pagkakataon ang mga baguhang mga babaeng artista na maka-eksena ang mga hari.
Sa Set. 2, itatampok sina Piolo at Lauren Young sa All About A Girl na ididirek ni Joey Javier Reyes.
Sa mga susunod na Sabado, makakapareha ni Carla Humphries si John Lloyd, Denise Laurel si Sam, Paw Diaz si Diether at si Angelica Panganiban ni Zanjoe.
Bagaman at kilala na ang galing nina John Lloyd, Piolo at Diether, meron din kayang ibubuga ang mga baguhang sina Sam at Zanjoe? Ito ang dapat abangan ng mga manonood.