Eighteen na si Niña pero, sa halip na magkaron ng malaking party, mas minabuti niyang itago na lamang ang pera na dapat sana ay gastusin niya sa kanyang debut. Happy na siya na nakasama ang family & friends niya nung birthday niya last Aug. 26.
Endorser si Niña ng Penshoppe at nasa cast ng Pedro Penduko kasama ang isa pang PBB housemate na si Matt Evans.
Balak ni Niña na kumuha ng kursong European Studies sa La Salle.
Anim na karangalan (3 gold, isang bronze at 2 plaques) ang nakamit ni Jennifer na itinuturing ni Manny na kanyang lucky charm. Kung natatandaan nyo, si Jennifer ang umawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa laban nito kay Erik Morales sa Las Vegas. Ngayon ay pareho na silang world champions.
Binati ni Pacquiao si Jennifer na apo ni dating senador Ramon Revilla, Sr. sa pamamagitan ng telepono.
Bahagi ng tagumpay ni Jennifer ang kanyang arranger na si John Garcia.
Sa Twilight Dancers, magkaibigan sila ni Tyron Perez na nakatakdang pumalit sa mga nalalaos ng macho dancer sa club na kanilang pinaglilingkuran.
Bagaman at maganda ang role ni Kris sa Twilight Dancers, sa pelikula ni Gil Portez na Barcelona siya pormal na makikilala. Introducing siya rito bilang asawa ni Alessandra de Rossi. Regular cast din siya sa Super Inggo, bilang boytoy o boylet ni Nova Villa. Kapamilya na rin siya nina Alfred Vargas, Jericho Rosales at Dion Ignacio sa Walker Underwear.