Angelika dela Cruz, wala nang pera!
August 29, 2006 | 12:00am
May ipinagagawa palang Bar and Grill Restaurant sa Malabon ang aktres na si Angelika dela Cruz pero natigil daw ngayon ang construction sa hindi malamang dahilan ng mga kapitbahay.
Tinext kami ng kapitbahay ng aktres at ang sabiy "Pakitanong nga po kung bakit natigil ang pagpapagawa ni Angelika ng bar and grill resto niya? Kasi po usap-usapan dito na kaya raw natigil ay dahil wala na siyang pera, totoo po ba? E, di ba sikat siya, marami naman siyang pera?"
Tinext back namin ang nasabing kapitbahay na baka hindi maasikaso dahil maraming trabaho ang aktres o kayay may iba itong inuuna.
Naloka lang kami sa sagot sa amin, "Ah, ganun po ba? Kasi po, ang usapan dito sa amin, di raw kumita yung concert ni Lavinia sa Bituing Walang Ningning kaya wala na siyang pera. Natalo na siya ni Dorina."
Susme, ikabit pa ang isyu sa soap drama? E, bakit nga ba nahinto ang pagpapagawa mo, Angelika?
Linggo ng tanghali ay iprinisinta ang 16 scholars ng Pinoy Dream Academy sa pangunguna nina RJ Jimenez (Pasig), Yeng Constantino (Rizal), Gemma Fitzgerald (Australia), Yvan Lambatan (Baguio City), Kristoffer Abrenica (Canada), Ronnie Liang (Pampanga), Irish Fullerton (California USA), Michelle Bond (Amsterdam, Netherlands), Iya Gineo (Pangasinan), Jun Hirano (Japan), Rosita Bareng (Dubai), Panky Trinidad (Cebu), Eman Abatayo (Iloilo), Chai Fonacier (Cebu), Geoff Taylor (Cagayan Valley) at Jay-R Siaboc, Jr (Cebu).
Kinagabihan naman sa live telecast ng PDA sa Channel 2 ay ipinakilala na sa 16 Pinoy dreamers ang kanilang masters na sina Jim Paredes, Maribeth Bichara at Moy Ortiz at inilibot na rin sila sa loob ng PBB house at academy kung saan sila mag-aaral.
At dito in-announce ng headmaster ng PDA na si Jim na marami pa siyang nakitang karapat-dapat na mapasok sa loob ng akademya at nakiusap daw siya sa taga-Endemol na kung pupwede ay magdagdag pa ng apat na scholars to make it 20 lahat.
Ang apat na nabigyan ng chance sa PDA ay sina Joan Jane Ilagan (Italy), Honorata "Oona" Barretto (Bukidnon), Richard Peralta (Australia) at Davey Langit (Baguio City).
Kitang-kita sa apat na nadagdag ang kanilang saya tuwa dahil nabigyan nga sila ng chance at siyempre malungkot din dahil maiiwan nila ang 18 finalists na hindi pinalad na makasama.
Sa ilang linggo palang nilang pagsasama ay mararamdaman mo na ang closeness ng lahat, at hindi mo aakalaing hirap silang mawalay sa isat isa.
Samantala, kahapon ng alas singko ng madaling araw, lumuwas ng Manila ang apat na scholars kasama ang Business Unit Head na si Linggit Tan para makahabol sa first day of school nila sa PDA.
Dagdag pa na sa natirang 18 finalists na naiwan sa Cebu ay namili raw ng pang-back up ang taga-Endemol in case isa sa mga scholar ay mag-decide na umalis ng academy or na-kick-out due to misbehavior at ang mga hindi napili ay pauuwiin na sa kani-kanilang bayan.
>Hindi pala marunong tumupad sa pangako ang kapatid ni Jericho Rosales na si Jeremiah Rosales dahil ultimo ipinangako nitong share sa birthday party ng anak niya sa non-showbiz girl na si Ethel Gonowan ay hindi niya ibinigay.
Galit na galit na ikinuwento sa amin ni Ethel, ina ng mga anak ni Jeremiah, "Nag-usap po kami na maghahati kami sa gastos ng birthday ng anak namin, tapos nung kukunin ko na, nahuli kong tatakasan ako nasalubong kong palabas siya ng Maia Alta Village sa Antipolo, kasama jowa niya, hinabol namin at nung naabutan ko sa highway sa Antipolo, binabaan ko ng sasakyan at pinagsasapak ko, nagkatrapik-trapik nga kasi talagang gigil na gigil ako sa pangloloko niya sa akin.
"Hindi naman po nakapalag kasi maraming nanonood na tao, may pulis pa at wala ring nagawa. Tinalakan ko si Jeremiah, hindi kumikibo, pati yung girlfriend niya. Ang kapal ng mukha, ang layu-layo ng pinanggalingan ko tapos ang lakas-lakas pa ng ulan tapos gaganunin lang niya ako?"
At lipas na raw ang limang araw na palugit para makipag-areglo si Jeremiah kay Ethel tungkol sa sustento ng kanilang mga anak at wala na raw choice si Ethel kundi, "Diretso na talaga sa korte, gusto ko siyang makulong, tutal hindi naman niya sinisilip ang mga anak namin." REGGEE BONOAN
Tinext kami ng kapitbahay ng aktres at ang sabiy "Pakitanong nga po kung bakit natigil ang pagpapagawa ni Angelika ng bar and grill resto niya? Kasi po usap-usapan dito na kaya raw natigil ay dahil wala na siyang pera, totoo po ba? E, di ba sikat siya, marami naman siyang pera?"
Tinext back namin ang nasabing kapitbahay na baka hindi maasikaso dahil maraming trabaho ang aktres o kayay may iba itong inuuna.
Naloka lang kami sa sagot sa amin, "Ah, ganun po ba? Kasi po, ang usapan dito sa amin, di raw kumita yung concert ni Lavinia sa Bituing Walang Ningning kaya wala na siyang pera. Natalo na siya ni Dorina."
Susme, ikabit pa ang isyu sa soap drama? E, bakit nga ba nahinto ang pagpapagawa mo, Angelika?
Kinagabihan naman sa live telecast ng PDA sa Channel 2 ay ipinakilala na sa 16 Pinoy dreamers ang kanilang masters na sina Jim Paredes, Maribeth Bichara at Moy Ortiz at inilibot na rin sila sa loob ng PBB house at academy kung saan sila mag-aaral.
At dito in-announce ng headmaster ng PDA na si Jim na marami pa siyang nakitang karapat-dapat na mapasok sa loob ng akademya at nakiusap daw siya sa taga-Endemol na kung pupwede ay magdagdag pa ng apat na scholars to make it 20 lahat.
Ang apat na nabigyan ng chance sa PDA ay sina Joan Jane Ilagan (Italy), Honorata "Oona" Barretto (Bukidnon), Richard Peralta (Australia) at Davey Langit (Baguio City).
Kitang-kita sa apat na nadagdag ang kanilang saya tuwa dahil nabigyan nga sila ng chance at siyempre malungkot din dahil maiiwan nila ang 18 finalists na hindi pinalad na makasama.
Sa ilang linggo palang nilang pagsasama ay mararamdaman mo na ang closeness ng lahat, at hindi mo aakalaing hirap silang mawalay sa isat isa.
Samantala, kahapon ng alas singko ng madaling araw, lumuwas ng Manila ang apat na scholars kasama ang Business Unit Head na si Linggit Tan para makahabol sa first day of school nila sa PDA.
Dagdag pa na sa natirang 18 finalists na naiwan sa Cebu ay namili raw ng pang-back up ang taga-Endemol in case isa sa mga scholar ay mag-decide na umalis ng academy or na-kick-out due to misbehavior at ang mga hindi napili ay pauuwiin na sa kani-kanilang bayan.
Galit na galit na ikinuwento sa amin ni Ethel, ina ng mga anak ni Jeremiah, "Nag-usap po kami na maghahati kami sa gastos ng birthday ng anak namin, tapos nung kukunin ko na, nahuli kong tatakasan ako nasalubong kong palabas siya ng Maia Alta Village sa Antipolo, kasama jowa niya, hinabol namin at nung naabutan ko sa highway sa Antipolo, binabaan ko ng sasakyan at pinagsasapak ko, nagkatrapik-trapik nga kasi talagang gigil na gigil ako sa pangloloko niya sa akin.
"Hindi naman po nakapalag kasi maraming nanonood na tao, may pulis pa at wala ring nagawa. Tinalakan ko si Jeremiah, hindi kumikibo, pati yung girlfriend niya. Ang kapal ng mukha, ang layu-layo ng pinanggalingan ko tapos ang lakas-lakas pa ng ulan tapos gaganunin lang niya ako?"
At lipas na raw ang limang araw na palugit para makipag-areglo si Jeremiah kay Ethel tungkol sa sustento ng kanilang mga anak at wala na raw choice si Ethel kundi, "Diretso na talaga sa korte, gusto ko siyang makulong, tutal hindi naman niya sinisilip ang mga anak namin." REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended