Isang musical rin ang episode nila ni Cogie na Jass Got Lucky na si Lovi rin ang kumanta ng themesong na "Tanging Ikaw".
Hindi na rin kinailangan pang pilitin si Cogie na kumanta sa kanilang L2L series dahil sa kumakanta naman pala ito talaga. "Sa banyo! Panay nga ang kain ko ng paypakwa (isang Chinese candy) para gumanda ang boses ko," pagbibirong sabi ni Cogie.
Pero may sarili na palang banda si Cogie na pinangalanan nilang Fair Ground at si Cogie mismo ang kanilang guitarist. Wala pa silang gig baka raw in the future dahil for fun lang naman ang kanilang pagkanta at kapag naiimbitahan lang din ng mga barkada nila.
Feel na feel ni Lovi ang kanyang role sa Jass Got Lucky ng L2L dahil sa inaapi siya rito pero pilit niyang hinaharap ang kanyang mga pangarap.
At sa tanong patungkol naman sa intriga sa kanya na gumagawa lang siya ng kwento tungkol sa kanyang namayapang ama?
"Kung anuman po yung memories ko sa daddy ko, tini-treasure ko na yun as my lifetime moment with him at hindi ko na maiaalis yun. Hindi ko naman po naisip na ang isang FPJ ay lalabas na negative dahil lang sa statement ko. Wala po akong intensiyon na sirain ang pangalan niya o saktan ang sinuman," paliwanag ni Lovi na nangingilid ang mga mata.
Kasabay na rin ng promotion ni Lovi ng kanyang album na "Lovi The Best of My Heart" na release ng Sony BMG. Biniro nga siya nila Regine Velasquez at Ogie Alcasid na ipa-pirate siya para sa IndiMusic recording company ng mga ito dahil sa matagal pa raw ang dalawang taon bago matapos ang contract ni Lovi sa Sony BMG.
Si Kim ay 15 yrs. old at 4th year high school sa Southville International School sa Las Piñas kung saan tadtad daw ng trampuline ang kanilang school bilang support sa kanya.
May album na rin si Kim Flores na release ng Ivory Records. Meron na ring offer sa kanya na mag-acting pero tinanggihan ni Tito Boy dahil sa gusto niya munang makatapos ito ng pag-aaral kung saan balak ni Kim kumuha ng Creative Writing sa Ateneo. Pangako raw ni Tito Boy na marami itong suprise na projects para sa kanya.
Pangako naman ni Kim sa sarili na pipilitin niyang lumipat na sa kanyang kuwarto para doon matulog dahil hanggang ngayon pala na sa edad na 15 yrs old ay sa gitna pa rin siya ng kanyang parents katabing natutulog.