^

PSN Showbiz

"Hindi ko po naisip na sa pagsasabi ko ng mga memories ko with my dad ay makakasira at makakasakit sa kanya" – Lovi Poe

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Bagama’t singing ang puntirya ni Lovi Poe, hindi na niya mahindian at ng kanyang manager na si Leo Dominguez ang magandang offer ng GMA-7 para sa huling  pagpapalabas ng Love to Love Season 12 na kung saan itatampok sila ni Cogie Domingo.

Isang musical rin ang episode nila ni Cogie na Jass Got Lucky na si Lovi rin ang kumanta ng themesong na "Tanging Ikaw".

Hindi na rin kinailangan pang pilitin si Cogie na kumanta sa kanilang L2L series dahil sa kumakanta naman pala ito talaga. "Sa banyo! Panay nga ang kain ko ng paypakwa (isang Chinese candy) para gumanda ang boses ko," pagbibirong sabi ni Cogie.

Pero may sarili na palang banda si Cogie na pinangalanan nilang Fair Ground at si Cogie mismo ang kanilang guitarist. Wala pa silang gig baka raw in the future dahil for fun lang naman ang kanilang pagkanta at kapag naiimbitahan lang din ng mga barkada nila.

Feel na feel ni Lovi ang kanyang role sa Jass Got Lucky ng L2L dahil sa inaapi siya rito pero pilit niyang hinaharap ang kanyang mga pangarap.

At sa tanong patungkol naman sa intriga sa kanya na gumagawa lang siya ng kwento tungkol sa kanyang namayapang ama?

"Kung anuman po yung memories ko sa daddy ko, tini-treasure ko  na yun as my lifetime moment with him at hindi ko na maiaalis yun. Hindi ko naman po naisip na ang isang FPJ ay lalabas na negative dahil lang sa statement ko. Wala po akong intensiyon na sirain ang pangalan niya o saktan ang sinuman," paliwanag ni Lovi na nangingilid ang mga mata.

Kasabay na rin ng promotion ni Lovi ng kanyang album na "Lovi The Best of My Heart" na release ng Sony BMG. Biniro nga siya nila Regine Velasquez at Ogie Alcasid na ipa-pirate siya para sa IndiMusic recording company ng mga ito dahil sa matagal pa raw ang dalawang taon bago matapos ang contract ni Lovi sa Sony BMG.
* * *
Ang Kamikazee, ang bandang naghatid sa atin ng mga hit songs na "Narda" at "Martyr Nyebera" ay tutugtog sa Dish (The Loop, ABS-CBN) bukas Aug. 30. Kasama nila ang isa pang alternative rock band, ang Rugis.
* * *
Bukod tanging si Kim Flores lang na alaga ni Kuya Boy Abunda ng Backroom ang ginawaran ng Special Music Industry Awards sa Junior World Champion division bukod pa sa 5 golds at 4 plaques na natanggap nito sa katatapos na World Championships Of Performing Arts.

Si Kim ay 15 yrs. old at 4th year high school sa Southville International School sa Las Piñas kung saan tadtad daw ng trampuline ang kanilang school bilang support sa kanya.

May album na rin si Kim Flores na release ng Ivory Records. Meron na ring offer sa kanya na mag-acting pero tinanggihan ni Tito Boy dahil sa gusto niya munang makatapos ito ng pag-aaral kung saan balak ni Kim kumuha ng Creative Writing sa Ateneo. Pangako raw ni Tito Boy na marami itong suprise na projects para sa kanya.

Pangako naman ni Kim sa sarili na pipilitin niyang lumipat na sa kanyang kuwarto para doon matulog dahil hanggang ngayon pala na sa edad na 15 yrs old ay sa gitna pa rin siya ng kanyang parents katabing natutulog.

BOY ABUNDA

COGIE DOMINGO

CREATIVE WRITING

DAHIL

FAIR GROUND

JASS GOT LUCKY

KIM FLORES

LOVI

TITO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with