Kung anuman yung problema nila Ogie at Michelle, ipaubaya na lang natin ito sa kanila. Sabi nga ni Ogie, ibalato na lang natin ito sa kanya at sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak. Mahal na mahal ni Ogie ang kanyang mga anak.
Pagkaganda-ganda pa naman ang ipinagawa nitong bahay sa Australia at panay din naman ang uwi nito roon.
Pagbigyan na lang natin ang kahilingan ni Ogie!
Dumating sila Jericho Rosales at Heart Evangelista sa nasabing concert at naki-join din siyempre sa kainan ni Angeli.
Kinaugalian na ni Gary na magkaroon muna ng show dito sa bansa bago siya tuluyang tumulak papuntang US para sa kanyang mga singing engagement doon. Matatagalan uli bago siya masilayan ng mga kababayan natin dito sa bansa.
Sa Music Museum show ni Gary ay nag-perform ang anak niyang sina Kiana at Gabriel na may kanya-kanyang talent na ipinamalas na dati ay kasa-kasama lang ni Gary. At kung dati rin ay siya ang pinanonood ng mga ito, ngayon si Gary na ang nanonood sa kanyang mga anak habang nagpi-perform. Siyempre pa, namana ng mga ito ang kagalingan sa pagsayaw at pagkanta sa kanilang ama.
Bakit hindi na lang tayo maging masaya sa kaligayahan ng ibang tao? At maging kuntento sa anumang meron tayo sa buhay, eh di lahat magiging masaya.