Bakit sila tumagal?
"Nagmamahalan kami sa kabila ng pagkakaiba ng aming ugali.
"Shes playful pero ako yung seryoso. Its a good combination. Sabi nga, opposite poles attract each other," anang actor.
Isa pang dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon ng dalawa ay nang mag-lay-low sa showbiz si Aubrey at nag-concentrate na lang sa pagiging live-in partner ni Troy.
Sa kabilang banda, aliw na aliw ang aktor sa kanyang leading lady na si Keanna sa Binibining K. Ayon sa actor ay masipag sa trabaho ang kapareha at masaya sila sa set. Kaya lang, napi-feel ni Troy na naiilang si Keanna kapag dumadalaw minsan sa set si Aubrey.
"Minamalas kami. Buwan ng Agosto nang putulin ang isang paa ng tatay-tatayan ni Jenny, Agosto rin nang ma-paralyze ito at ngayong Agosto ay ako naman ang ooperahan sa balakang dahil sa nabaling buto," pag-alala niya sa mga nangyari sa kanila sa kasalukuyang buwan.
Nagkasakit din ngayong buwang ito si Jennylyn at naputol ang kabilang paa ng kanyang tatay. Puro problema ang dumarating sa kanilang buhay kapag dumarating ang buwan ng Agosto.
Mabuti na lang at nako-compensate naman ito ng ganda ng career ni Jenny at tuluy-tuloy ang kanyang mga proyekto. Abala ngayon sa promosyon ng Eternity ang aktres at si Mark Herras sa direksyon ni Mark Reyes. Palabas na ito sa September 6 under Regal Entertainment.
Nagpaliwanag ito na talagang na-upset siya sa naisulat sa isang broadsheet na igi-give up na niya ang Pilipinas. "I always explain na I migrated to Australia because I want to experience something new. Pero it doesnt mean na hindi na ako babalik sa ating bansa. "Simple lang ang pamumuhay namin sa Australia, kalaro ang mga apo ko at nagagamit ko naman ang pagiging musikero ko. I teach guitar, handle workshops, do photography at kapag dumalaw ang Apo Hiking," paliwanag ni Jim.
Sinabi rin nito na mananatili siyang Pinoy.
Si Jim ang headmaster at artistic director ng Pinoy Dream Academyang pinakamalaking reality cum talent search ng ABS-CBN. Nakumbinse siyang magbalik-Pinas at maging bahagi ng PDA dahil naniniwala siya kay Direk Laurenti Dyogi (PDA Business head) dahil nagkasama sila sa Tatak Pinoy.
"Hindi lang mahahasa ang 16 scholars sa larangan ng pagsayaw, pag-awit, fitness at iba pa. And as a senior artist I want to impart good values to them," sey pa ni Jim.
Nagsimula na ang PDA noong Sabado 9:30 ng gabi sa Cebu Capital Grounds at live na napanood sa Kapamilya Network.