Lovi, umeeksena!

Ngayong hapon sa programa nina Pia Guanio, Paolo Bediones, Richard Gomez at Joey Marquez, na S-Files ng GMA 7, uusok sa galit ang isang sikat na aktres dahil sa mga balitang nakakasirang puri pero walang katotohanan.

Aba, si Lovi Poe, anak ng yumaong Da King, pinag-uusapan na dahil nagiging matalim ang dila sa pagkukwento tungkol sa kanyang ama. Hihirit ang mga close kay Da King at pabubulaanan nila ang mga kuwento niya.

Hindi raw naman super happy si Arnell Ignacio sa pananalo sa ice skating competition sa China ang kanyang anak na babae at siya pala ang nag-makeup at nag-ayos ng buhok ng nak. — LGCELI

Show comments