38 ang kandidato pero, 16 lamang ang pwedeng maging scholar sa PDA
August 27, 2006 | 12:00am
Dapat sigurong magsaya ang mga taga-Cebu dahil minarapat ng ABS-CBN na sa lungsod nila idaraos ang pagbubukas ng Pinoy Dream Academy ngayong 9:30NG. Dito ibubunyag ang mapipiling 16 na scholars sa 38 finalists na dumaan sa napakahigpit na pagsubok.
Mula Lunes hanggang Sabado, simula bukas, Agosto 28, magsisimula ang training ng 16 sa ere para maging total performer na mahusay sa pagkanta, pagsayaw at pagdala ng sarili. Mayron namang tutulong sa kanilang mga teachers, acting coaches, dance instructor (Maribeth Bichara), voice instructor (Moy Ortiz) at fitness instructor (Gretchen Malalad). Lahat sila ay pamumunuan ni Jim Paredes bilang headmaster. Pinauwi pa ito ng ABS-CBN mula Australia para lamang gampanan ang nasabing gawain.
Tuwing Sabado, ang mga scholars ay magdaraos ng concert na kung saan ay huhusgahan sila. Lima ang pipiliin para ma-expel. Ang isa, isi-save ng mga teachers, isa pa rin ng mga mga estudyante. Ang manonood ang magdi-decide sa kapalaran ng mga matitira.
Malalaking prizes ang mapapanalunan ng 3 top scholars:
1st - P1M, Susuki Swift Car, condo unit sa GA Towers sa Edsa; 1st runner-up- P500,000 at condo unit sa Chateau Valenzuela; 2nd runner-up- P200,000 at condo unit sa Chateau Valenzuela. Bukod pa rito ang mga appliances.
Sina Toni Gonzaga, Sam Milby ang host ng gala shows, si Nikki Gil ang anchor ng primetime viewing at si Bianca Gonzales ang magbibigay ng updates at uplates.
Sa kabilang istasyon naman, sa GMA, sisimulan na rin ang StarStruck 4. Gagawing kakaiba ito sa tatlong nauna dahil hindi lamang loveteams ang hahanapin. Kaya hintayin sa mga susunod na mga araw ang grand launch ng SS4 at ang audition schedules.
Parang exciting itong pakulo ng Manila Broadcasting Company (MBC) na magdaraos ng isang celebrity boxing extravaganza na pinamagatang Bakbakan 06 ngayong araw na ito sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay City.
Sina Bayani Agbayani, Polo Ravales, Christian Vasquez, Paolo Paraiso, Rommel Montano at Andrew Wolfe ay magsasama-sama sa isang pambihirang pagtatagisan ng lakas.
Lahat ng pupunta sa Star City na may Ride-All-You-Can poptags ay may free entrance sa nasabing event.
Samantala, patuloy ang Ride With the Stars promo ng Star City. Last Week, pinagkaguluhan sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi. Sa araw na ito Ryza Cenon and Dion Ignacio will take center stage.
Bukas ang Star City simula 4NH tuwing Biyernes at 1NH Sabado at Linggo. P40 lang ang entrance at P190 para sa ride all you can tags.
E-mail: [email protected]
Mula Lunes hanggang Sabado, simula bukas, Agosto 28, magsisimula ang training ng 16 sa ere para maging total performer na mahusay sa pagkanta, pagsayaw at pagdala ng sarili. Mayron namang tutulong sa kanilang mga teachers, acting coaches, dance instructor (Maribeth Bichara), voice instructor (Moy Ortiz) at fitness instructor (Gretchen Malalad). Lahat sila ay pamumunuan ni Jim Paredes bilang headmaster. Pinauwi pa ito ng ABS-CBN mula Australia para lamang gampanan ang nasabing gawain.
Tuwing Sabado, ang mga scholars ay magdaraos ng concert na kung saan ay huhusgahan sila. Lima ang pipiliin para ma-expel. Ang isa, isi-save ng mga teachers, isa pa rin ng mga mga estudyante. Ang manonood ang magdi-decide sa kapalaran ng mga matitira.
Malalaking prizes ang mapapanalunan ng 3 top scholars:
1st - P1M, Susuki Swift Car, condo unit sa GA Towers sa Edsa; 1st runner-up- P500,000 at condo unit sa Chateau Valenzuela; 2nd runner-up- P200,000 at condo unit sa Chateau Valenzuela. Bukod pa rito ang mga appliances.
Sina Toni Gonzaga, Sam Milby ang host ng gala shows, si Nikki Gil ang anchor ng primetime viewing at si Bianca Gonzales ang magbibigay ng updates at uplates.
Sina Bayani Agbayani, Polo Ravales, Christian Vasquez, Paolo Paraiso, Rommel Montano at Andrew Wolfe ay magsasama-sama sa isang pambihirang pagtatagisan ng lakas.
Lahat ng pupunta sa Star City na may Ride-All-You-Can poptags ay may free entrance sa nasabing event.
Samantala, patuloy ang Ride With the Stars promo ng Star City. Last Week, pinagkaguluhan sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi. Sa araw na ito Ryza Cenon and Dion Ignacio will take center stage.
Bukas ang Star City simula 4NH tuwing Biyernes at 1NH Sabado at Linggo. P40 lang ang entrance at P190 para sa ride all you can tags.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended