"Hilig ko talaga ang dancing, singing at acting," say ni Izzy na ang real name ay Charizza Ann S. Trasona. Birthday niya nung March 12 at mahilig siya maglaro ng volleyball. Sabi ng manager nilang si Joy Cansio ay napakamahiyain daw ni Izzy kaya hindi nila akalaing bobongga ito.
"Naisip ko kasi, wala namang mangyayari kapag pulos hiya ang iisipin ko. Minsan lang dumating ang opportunity kayat kinakalimutan ko ang hiya," aniya.
Hindi niya makakalimutan na nung may kissing scene siya kay Justin Cuyugan ay nanlamig siya. Natawa nga si Justin dahil naramdaman nito ang panginginig ng kapareha.
"First ko kasi yun, kaya kabang-kaba ako. Hiyang-hiya ako," say niya sa amin.
Paboritong artista ni Izzy si Richard Gomez kahit sabihing taklesa ito dahil sa pakikialam kina Piolo at Erik. Gusto raw ni Izzy na kapag magbibida siya sa pelikula, kung may magbibigay ng break sa kanya, si Richard ang makapareha niya. Type pala niya ang mga morenong lalaki at malaking katawan at maganda ang mata.
Babaeng babae si Izzy, kasi paborito niyang kulay ay pink. Sinigang naman ang paborito niyang ulam. Sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez naman ang paborito niyang artista. Vir Gonzales