Pero sa kabila ng denial ni Ogie, naniniwala kami na may basehan ang mga naglabasang balita tungkol dito.
Una, hindi naman masasabi ni Ogie na ideal ang kanilang pagsasama ni Michelle. Mag-asawa nga sila, pero iniwan siya ni Michelle kasama ang kanilang anak at umuwi ng Australia. Si Ogie naman, hindi basta maiwan ang kanyang career dito sa Pilipinas, at saka malabo naman yong iiwan niya ang kanyang career dahil sa kapritso ng kanyang asawang gustong doon manirahan sa bayan nila.
Kunsabagay, mabilisan lang kasi ang ligawan ng dalawang ito eh. Maraming mga bagay nga sigurong hindi nila napag-usapan ng maayos bago sila nagpakasal. Kahit na sabihin mo ngang maayos ang pagsasama nila, aywan kung matatawag bang pagsasama yong ang isa ay nasa Australia at ang isa ay narito.
Hindi kami magtataka kung dumating ang isang araw na lalabas na totoo palang maghihiwalay na nga sila ng pormal. Hindi man sila maghiwalay ng pormal, o ano man ang sabihin nila, in reality talaga namang hiwalay sila.
Ang problema, kahit na sa totoo lang ay mas matindi pa nga ang popularidad ng mga Korean drama sa ngayon, dito naman sa Pilipinas ay nauunahan ng mga pirata ng video ang pagpapalabas ng mga yon sa telebisyon.
May isa ngang network na nalugi dahil matapos na makabili ng isang Korean drama, at matapos ang dubbing noon sa Tagalog, biglang kumalat ang video copies noon sa mga pirata. Hindi na nila naituloy ang pagpapalabas noon, dahil sino pa nga ba ang susubaybay doon eh napanood na sa pirated DVD.