Tulad noon nina Alma Concepcion at Anjanette Abayari, naka-orange uniform sa loob ng kulungan ang apat na Baywalk Bodies kasama ang limang iba pang Pinay na nagmula sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang GRO sa Alindog Karaoke Lounge.
Ang Immigration lawyer na si Atty. Nelson J. Xu ng LA Baumann & Associates ng Hagatna, Guam ang siyang nag-aasikaso ngayon sa agarang paglaya ng mga nakakulong na siyam na Pinay sa Guam. Tumutulong din ang Consul General ng Pilipinas sa Guam at ang businessman na si G. Emelio Uy.
Si Aila Marie ay may asawa na at tatlong anak. Isang diborsiyadong Pinoy policeman ang kanyang mister. Limang taon na ang kanilang panganay, four ang kasunod at 6 months naman ang bunso.
Hindi rin kami nagkaroon ng chance na makipagkita sa dating aktor at ex-boyfriend ni Rica Peralejo na si Bojo Molina na naka-base na rin sa Guam. Teacher ang misis ni Bojo at may anak na rin sila.
Nagtatrabaho na ito ngayon sa Earns and Young auditing firm. Ang mister ngayon ni Rosalie ay isang telecom magnate sa Guam at may isa rin silang anak, si John (21) na senior student ng Computer Engineering & Business Management sa University of San Francisco.
Kay Rosalie namin nalaman na na-stroke ang dati niyang publicist, ang dating entertainment writer na si Mama Celso Sabiniano ng Paquil, Laguna na kanyang tinutulungan financially. Paralyzed na umano ang kalahating katawan ni Mama Cel sanhi ng stroke.
Ginanap sa University of Guam Fieldhouse ang back-to-back major concert ng Aegis Band at Renz Verano at ang Piccolo Band naman ang nag-back-up kay Renz. Punum-puno ang nasabing gym at doon lamang nalaman na very strong pala ang following sa Guam ng Aegis at ni Renz. Sa sobrang tuwa ng audience, walang patid ang pagbibigay nila ng pera (US dollars) kina Renz at Aegis Band.
Pagkatapos ng matagumpay na back-to-back concert, extended ang kanilang stay sa Guam dahil may magkahiwalay silang side shows.