Cindy, may ka-live in na foreigner???

Ang pakiramdam ng kampo ni Ms. Susan Roces na ang camp ni deposed president Joseph Estrada ang may idea na makiki-join ang actress at biyuda ni Da King Fernando Poe Jr. sa pulitika sa darating na eleksyon. Ayon sa isang dating malapit kina Ms. Roces, ayaw na lang daw magsalita ni Ms. Roces pero ang pakiusap daw nito ay tantanan na ang kanyang namayapang asawa dahil nananahimik na ito sa langit.

Besides, adjusted na raw ito sa pagiging simple lang at sa trabaho sa John en Shirley sa ABS-CBN.

Tungkol naman kay Lovi Poe, isang taong dating malapit sa actor na minsan ay siyang nagbibigay ng allowance kay Lovi recalled na shocked sa mga sinasabi ni Lovi sa mga interview.

Nagtataka raw siya kung bakit kailangang may mga gano’ng kuwento si Lovi samantalang in her heart, alam niyang hindi na niya ito nakikita since two years old siya.

So kanino kayang idea na ang mga kuwento ni Lovi na lumalabas sa kanyang mga interview?

Marami siyang sinabi like every Sunday ay nagkikita sila at pag Christmas ay sinusundo siya at marami pang iba. "Hay naku, sana naman ay patahimikin na si FPJ. Matutuwa na siyang nasa showbiz si Lovi, pero siguradong hindi siya masaya pag ganyan ang nangyayari," ayon sa dating confidante ni FPJ.
* * *
Bakit kaya may kumakalat na negative issues against Cindy Kurleto? Ayon sa isang e-mail sender (rienbates@yahoo.com):

Pls be warned against Cindy Kurleto, do not be deceived by her angelic face.

Facts about Cindy:

"Her real age is 28 years old, born April 1978. She’s not 25 yrs old like what she claims," simula ng e-mail sender. Totoo rin daw ang matagal nang issue na two years silang nag-live in ni Jericho Rosales.

Meron ding accusation na gumagamit ito ng ecstacy pag may party sa Boracay.

Sa kasalukuyan din daw ay may boyfriend itong foreigner contrary sa claim niya na unattached siya. In fact, madalas daw ito sa condo unit ng boyfriend sa Rockwell.

At ang the height, si Cindy din daw ang nagkuwento na nag-usap sila ni Jericho tungkol sa pagbubuntis ni Heart Evangelista.

Hala. Sobrang shocking ang ganitong kuwento.

But anyway, open sa kahit anong reaction ang Baby Talk sa mga nabanggit na issue kay Cindy.
* * *
Unti-unti nang nalilimutan ng karamihan sa atin ang sariling kultura. Nakakalimutan na nila ang sariling atin dahil majority particular na ang mga kabataan, mas nakiki-ride na sila sa uso. Kaya nga maganda ang ginawa ni Manila Mayor Lito Atienza na i-open sa public ang Hiyas, isang palabas ng mga scholars ng Manila Dance and Cultural Arts Centers na kamakailan ay ininagurate ang bagong venue sa compound ng Museo Pambata along Roxas Boulevard, Manila. During the inauguration nagkaroon ng cultural presentation.

Ang nasabing facility has two dance studios, dalawang music rooms and a big outdoor stage para sa mga cultural presentations.

By this time kasi, mas alam pa ng mga bagets ang hiphop dance kesa sa mga folks dancing.

Dating Dance Center lang ang pangalan ng ngayo’y Manila Dance and Cultural Arts Center.

Anyway, bukod sa ma-familiarize uli tayo sa ating culture, nagkaroon ng chance ang mga under-privileged children ng Manila ages 7 to 14 years para ma-develop ang kanilang in-born talents, express ang kanilang artistic merits na hindi sana nila na-experience kung sa murang edad nila ay nagwo-work na sila. Thanks to Mayor Atienza na naisip mag-launch ng ganitong scholarship program.

To date, almost 200 na ang scholars at divided sila sa Hiyas ng Maynila Dance Company and the Hiyas ng Maynila Children’s Choir. Bongga sila dahil na-represent na nila ang City of Manila sa isinagawang I-Lan International Children’s Folklore and Folkgame Festival sa I-Lan Country, Taiwan.

Every Friday, mapapanood sila — evening of Filipino folk songs and dances with dinner 6:00 to 7:00 P.M.

Samantala, kasama ni Mayor Atienza ang anak niyang si Ali sa inauguration na sinasabing ticketmate ni Manny Pacquiao sa darating na election. Pero pareho pang ayaw magsalita ng mag-ama tungkol sa plano nila sa darating na eleksiyon.

Show comments