Pero sa nagi-Ingles ngayon ng mali-mali ay type namin si Sugar Mercado dahil hindi naman siya mukhang intelihente. Natural ang pagsasalita nito ng maling Ingles.
Napakalayo ng Summersisle at malayo ito sa kabihasnan pero kailangang mahanap ni Malus ang anak ng dating kasintahan. Ang isla ay pinagrereynahan ni Sister Summersisle at ang mga lalaki rito ay dehado sa mga babae.
Walang gustong tumulong kay Malus sa isla. Pinuntahan na niya ang elementary school nito, ang nag-iisang dentista sa isla at town photographer din, pati sakayan at sementeryo, pero parang wala pa ring nangyari.
Mahanap pa kaya ni Malus ang nawawalang bata? Ito ang malaking tanong na ibinabandera ng pelikulang The Wicker Man.
Si Nicolas Cage si Edward Malus. Si Kate Beahan naman ang dati niyang kasintahan na si Willow Woodward at si Ellen Burstyn ang gumaganap namang si Sister Summersisle. Kasama si Burstyn sa The Wicker Man noong 1973.
Mas maganda sa original version ang remake, mas ginawang exciting.
Palabas na sa September 6 ang The Wicker Man mula sa Equity Pictures released by Solar Entertainment.
Anang ama ng aktres sa manliligaw ng anak nga, "Bading yun."
Magka-lungsod ang dalawa sa isang lugar sa Metro Manila. Balita pa nga na noong bata pa ito ay di na maitago ang kabadingan nito. Madalas itong manood ng gay beauty pageant.