Nagpaalam kay Karylle, bago nakipaghalikan kay Dingdong!
August 23, 2006 | 12:00am
Secret ang itinugon sa amin ni Iza Calzado nang tanungin namin siya tungkol sa kung ilang beses silang naghalikan ni Dingdong Dantes para sa pelikulang Eternity.
Truth to tell, ang dahilan kung bakit ayaw niyang idetalye ang nabanggit na love scenes nila ni Dingdong ay baka raw isipin na ipinagyayabang pa niya ang maselang bahaging ito ng pelikula. Bago ito kinunan ay pinaalam niya ito kay Karylle, ang girlfriend sa tunay na buhay ni Dingdong.
Very satisfied si Direk Mark Reyes sa attitude nina Iza at Dingdong. "They were very professional, hindi maarte at walang hiniling sa kanya na huwag ganito o ganoon ang gawin. Makatotohanan ang kanilang pagganap as ill-fated lovers kaya na-inspire ako at dinagdagan ko pa nga ang kanilang love scenes," he says.
Ang Eternity ay period film kaya naging magastos. Sa Spanish period ang setting ng love story nina Dingdong at Iza at sa pangkasalukuyang panahon ang pag-iibigan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Nagtaka lang kami kung bakit sa trailer na ipinalalabas sa mga sinehan ay hindi kasama ang lovemaking scene nina Iza at Dingdong. Huwag isipin na wala dahil totoong meron pa at pag-uusapan ang mainit na tagpong ito.
Nakauna na si Sitti dahil siya ang unang nasaplaka ng Bossa Nova. Dahil sa mainam na pagtanggap ng publiko, join na rin si Agot Isidro with the release of her album for Holiday Records. Ang mga awiting tampok sa CD ni Agot entitled "The Island" ay pawang pamilyar sa pandinig. Karamihan ay pop songs na tunog bossa ang ginawa. Maging ang "Hanggang Kailan" ng Orange and Lemons ay hinaluan ng Brazilian beat. REMY UMEREZ
Truth to tell, ang dahilan kung bakit ayaw niyang idetalye ang nabanggit na love scenes nila ni Dingdong ay baka raw isipin na ipinagyayabang pa niya ang maselang bahaging ito ng pelikula. Bago ito kinunan ay pinaalam niya ito kay Karylle, ang girlfriend sa tunay na buhay ni Dingdong.
Very satisfied si Direk Mark Reyes sa attitude nina Iza at Dingdong. "They were very professional, hindi maarte at walang hiniling sa kanya na huwag ganito o ganoon ang gawin. Makatotohanan ang kanilang pagganap as ill-fated lovers kaya na-inspire ako at dinagdagan ko pa nga ang kanilang love scenes," he says.
Ang Eternity ay period film kaya naging magastos. Sa Spanish period ang setting ng love story nina Dingdong at Iza at sa pangkasalukuyang panahon ang pag-iibigan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Nagtaka lang kami kung bakit sa trailer na ipinalalabas sa mga sinehan ay hindi kasama ang lovemaking scene nina Iza at Dingdong. Huwag isipin na wala dahil totoong meron pa at pag-uusapan ang mainit na tagpong ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended