Kung totoo man ang balita, sana hanggang pagkakaibigan lang ang kanilang relasyon. Nanghihinayang kami kay Jackie dahil ang laki ng suportang ibinibigay sa kanya ng Siete at kung sasayangin niya ang magandang pagkakataon ay baka tuluyan nang manamlay ang kanyang career. Mabuti na lang at may ibinigay sa kanyang show bilang kapalit ng Fantastikids at isinama pa sa pelikula nina Regina Velasquez at Robin Padilla.
Papasok na ang StarStruck 4 at bago maging huli ang lahat, mauntog na sana ang ulo ni Jackie at mag-concentrate sa career dahil bata pa siya kaya huwag munang mag-concentrate sa pag-ibig.
"Kumusta naman ang samahan ninyo ngayon ni Mark?" tanong namin.
"Wala namang ipinagbago dahil friends pa rin kami. Mas okey ngayong wala kaming relasyon kapag magkapareha sa pelikula. Noon kasi ay nag-aaway kami sa set kapag may tampuhan. Wala pa rin akong nakikitang kapalit ni Mark sa aking puso. Mahal ko pa rin siya. Open naman ako sa ibang manliligaw," aniya.
Sa sobrang dami ng commitment ay halos konting oras na lang ang tulog ng magandang aktres. Sanay na rin ito sa puyat kaya nagti-take na lang siya ng vitamins para magkaroon ng resistensya sa trabaho.
Ayon sa staff ng Eternity¹, kinikilig sila kapag nagsusyuting ang dalawa dahil napaka-sweet nila at parang ang pagmamahal nila sa isat isa ay hindi nawawala.
Pangarap nilang maging babae ang kasunod at isa pang babae para maging pantay-dalawang lalaki at dalawang babae.
Ngayong abala si Mikee sa taping ng Majika ay ang asawang congressman muna ang nag-aasikaso sa anak. Kapag hectic naman ang schedule ni Dudut ay siya naman ang nakatoka sa pangangalaga sa mga anak.
Ayon sa syete ay may nakikita silang gwapong lalaki na dumadalaw sa tahanan ng sexy star at lumalabas ito tuwing madaling araw na. Lagi raw nilang nakikita ang lalaki lalo na pag weekend.
Ito kaya ang karelasyon ngayon ng sexy star, tanong ng mga kapitbahay.
Visible ngayon ang aktres sa showbiz at mainstay ng isang sitcom.