Bagets ang gusto dahil mabango!
August 23, 2006 | 12:00am
Tinutukso-tukso pa rin si Keanna Reeves nung humarap ito sa press para sa promosyon ng kanyang pelikulang Binibining K para sa Reality Entertainment sa direksyon ni Joven Tan dahil isang bagets din na Frenchman ang ipinalit niya sa kanyang naka-split na bagets model/actor na si Andrew Wolfe.
Nang tanungin siya kung bakit mahilig siya sa mga batang lalaki, sumagot siya ng "Ayaw ko na ng matanda. Kung matanda ay baka mapagkamalang bumalik na naman ako sa pagiging escort service girl. At saka pag bata, mabango. Yun ang gustung-gusto ko sa mga bagets, mabango sila," pagmamalaki niya.
Matagal nang tapos ni Keanna ang Binibining K na kung saan ay kapareha niya ang gwapong si Troy Montero at kasama pa rin sina Candy Pangilinan, Dennis Padilla, Jimmy Santos. Palabas na ito sa Setyembre 13 sa mga sinehan.
Sa pelikula, si Keanna ay isang simpleng babae na nangagarap maging isang prinsesa. Natupad naman ang pantasya niya, naging bise presidente siya ng isang malaking korporasyon pero, dahil mababaw ang pag-iisip at walang masyadong alam sa buhay, ini-isahan siya ng negosyanteng si Jojo Alejar. Tanging kalasag niya ay ang pagiging ismarte at totoo at dahil dito, nalalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Dito siya hinangaan ng lahat kabilang na ang boss niyang si Troy Montero.
"Masaya siyang kasama kaya lamang, kailangang masakyan mo ang moods niya. Para siyang roller coaster, minsan masayang nakikipagbiruan pero minsan, umiiyak siya," ani Troy.
Muling mapapanood sa TV si Tina Paner sa bagong teleserye ng ABS CBN na pinamagatang Crazy For You na mapapanood sa Setyembre 11 at nagtatampok kina Luis Manzano at Toni Gonzaga.
Pagkatapos mag-asawa ay nagpasya nang mamirmihan sa Barcelona, Spain si Tina. Mayron itong isang anak na babae na ayon sa lahat ng nakakita na rito ay napaka-bibo at malinaw na susunod sa bakas ng kanyang ina at magiging artista rin in the future.
Nag-tape ang nasabing serye sa Barcelona ng tatlong linggo at maraming mga OFW na Pinoy dun ang isinama nila sa serye. Kasama si Tina na gumaganap ng role ng isang nurse na naging kaibigan ni Michelle Madrigal na gumaganap na kontrabida ni Toni sa serye.
Isang maid naman si Janice (Toni) sa Barcelona, tulad din ng kaibigan niyang si Blesi (Pokwang).
Nakakuha ng trabaho si Janice para maglinis ng apartment ng isang estudyanteng Pinoy, si Wacky (Luis). Never nagkita ang dalawa dahil nag-uusap lamang sila sa pamamagitan ng mga notes. Galit dito si Janice (Toni) dahil akala niya ay isa itong anak mayaman na nagsasayang lang ng pera sa Spain.
May kaibigan si Wacky, si Paolo (John Prats).
Isang love story ang mabubuo sa dalawang di nagkikitang mga tao.
May fundraising concert si Nonoy Zuñiga ngayong Sabado, Agosto 26, 8NG, sa Music Museum para sa mga pasyente ng Jose delos Santos Sr. Foundation at DZMM public service program na "Aksyon Ngayon" nina Kaye Dacer at Fred Lim.
Kasama ni Nonoy bilang performers sina Nyoy Volante, Joey Generoso ng Side A, The Opera, Piwee Polintan at iba pang guests.
E-mail: [email protected]
Nang tanungin siya kung bakit mahilig siya sa mga batang lalaki, sumagot siya ng "Ayaw ko na ng matanda. Kung matanda ay baka mapagkamalang bumalik na naman ako sa pagiging escort service girl. At saka pag bata, mabango. Yun ang gustung-gusto ko sa mga bagets, mabango sila," pagmamalaki niya.
Matagal nang tapos ni Keanna ang Binibining K na kung saan ay kapareha niya ang gwapong si Troy Montero at kasama pa rin sina Candy Pangilinan, Dennis Padilla, Jimmy Santos. Palabas na ito sa Setyembre 13 sa mga sinehan.
Sa pelikula, si Keanna ay isang simpleng babae na nangagarap maging isang prinsesa. Natupad naman ang pantasya niya, naging bise presidente siya ng isang malaking korporasyon pero, dahil mababaw ang pag-iisip at walang masyadong alam sa buhay, ini-isahan siya ng negosyanteng si Jojo Alejar. Tanging kalasag niya ay ang pagiging ismarte at totoo at dahil dito, nalalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Dito siya hinangaan ng lahat kabilang na ang boss niyang si Troy Montero.
"Masaya siyang kasama kaya lamang, kailangang masakyan mo ang moods niya. Para siyang roller coaster, minsan masayang nakikipagbiruan pero minsan, umiiyak siya," ani Troy.
Pagkatapos mag-asawa ay nagpasya nang mamirmihan sa Barcelona, Spain si Tina. Mayron itong isang anak na babae na ayon sa lahat ng nakakita na rito ay napaka-bibo at malinaw na susunod sa bakas ng kanyang ina at magiging artista rin in the future.
Nag-tape ang nasabing serye sa Barcelona ng tatlong linggo at maraming mga OFW na Pinoy dun ang isinama nila sa serye. Kasama si Tina na gumaganap ng role ng isang nurse na naging kaibigan ni Michelle Madrigal na gumaganap na kontrabida ni Toni sa serye.
Isang maid naman si Janice (Toni) sa Barcelona, tulad din ng kaibigan niyang si Blesi (Pokwang).
Nakakuha ng trabaho si Janice para maglinis ng apartment ng isang estudyanteng Pinoy, si Wacky (Luis). Never nagkita ang dalawa dahil nag-uusap lamang sila sa pamamagitan ng mga notes. Galit dito si Janice (Toni) dahil akala niya ay isa itong anak mayaman na nagsasayang lang ng pera sa Spain.
May kaibigan si Wacky, si Paolo (John Prats).
Isang love story ang mabubuo sa dalawang di nagkikitang mga tao.
Kasama ni Nonoy bilang performers sina Nyoy Volante, Joey Generoso ng Side A, The Opera, Piwee Polintan at iba pang guests.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended