Kapatid ni Echo, tuluyan nang idi-demanda ng ina ng mga anak!

Sa mga hindi nakapanood ng Simply-Sitti concert ni Sitti sa Music Museum last August 11 ay pagkakataon n’yo nang mapanood siya sa Dish ABS-CBN compound, Mother Ignacia St., Quezon City bukas, Wednesday, August 23, 8NG handog naman ng Crossover 105.1 na may titulong Bossa Nova.

It will be a relaxing night for everyone after a hard days work dahil tiyak na mare-relax sa tinig ni Sitti sa repertoire niyang pinaghalong jazz at samba na may Brazilian influence, pramis, hindi magsisisi ang manonood.

And for ticket reservations ay maaring tumawag sa 413-0614. 
* * *
Isa sa mga araw na ito ay magsasampa na ng kaso sa korte ang ina ng mga anak ni Jeremiah Rosales, kapatid ng actor na si Jericho Rosales na si Ethel Gonowan dahil hindi raw tinupad ng una ang pangakong sustento sa mga anak nila.

Pawang press-release lang daw ang sinasabi ni Jeremiah na okey na at nagka-ayos na sila ni Ethel at maging si Echo ay ganito rin ang pahayag sa mga nagtanong sa kanya tungkol sa isyu.

Pero ang katotohanan pala na ayon mismo kay Ethel ay hindi pa rin nakikipag-usap sa kanya si Jeremiah kaya’t wala siyang magagawa kundi idemanda ito para sa sustentong hinihingi niya.

Tila binale wala raw ni Jeremiah ang ipinadalang demand letter sa kanya ni Ethel thru her legal counsel na si Atty. Rizal Balbin na siya ring abogado ni Cristina Decena sa mga kaso nito kay Phillip Salvador.

   Mas lalo pang tumindi ang galit ni Ethel sa ama ng mga anak dahil tumanggap daw ito ng P400,000 as talent fee sa isang softdrink tv commercial at hindi man lang daw naalala ang mga tsikiting nila.
* * *
Obviously, hindi ratings ang target ng Bayan Productions para sa Trip na Trip nina Katkat de Castro at Franzen Fajardo kundi ang feedback na nanggagaling sa loyal viewers nila for the last 13 episodes. At dahil dito ay nagdagdag sila ng dalawa pang hosts (Uma Khouny at Jayson Gainza) at mga segments.

Si Franzen ang nakatoka sa pagtuturo kung paano pagkakasyahin ang maliit na budget, dadalhin n’ya ang viewers sa mga murang pasyalan, kainan at bilihan ng kung anik-anik.

Samantalang si Jayson naman ang magsisilbing laughing stock ng grupo dahil sa mga on the spot niyang jokes at take note, hindi raw scripted ‘yun, dahil, "Wala po kaming script sa show, bahala kami kung ano ang gusto naming sabihin, e, so far pumapasa naman ang mga jokes ko.  At saka may mga challenges po akong itinuturo," esplika ni Jayson.

At si Uma naman ay binigyan ng sariling segment na ‘In’ and ‘Out’ kung okey ba ang mga pinupuntahan nilang destination o hindi.

Kaya naman ang big sister nilang si Kat Kat ay wala raw ginawa sa entire biyahe nila kundi humagalpak ng tawa sa tatlong kolokoy.

Anyway, puring-puri ng tatlong PBB boys ang producer nilang si Kat Kat, "Mabait at mapagbigay na boss po si Kat Kat, wala kaming masabi sa set, lahat ng gusto namin, ibinibigay lalo na sa pagkain, maski na anong gusto naming kainin, okey lang, hindi kami nililimitahan.

"Minsan nga po sa hotel kami kumain, e, magkano per plate ro’n, umabot sa mahigit P1,500, lahat po ng staff at crew pinakain, walang discrimination. Kaya po gustung-gusto namin si Kat Kat at hindi siya boss sa amin kundi ate.

"At siyempre po, higit sa lahat, cash ang suweldo namin na makukuha namin after the shooting," masayang kuwento ni Jayson. – REGGEE BONOAN

Show comments