Moviegoers, wala nang interes sa bold movies!

Ang bilis talagang lumipas ng panahon. Hindi pa natatagalan nang halos sambahin ng mahihilig sa R&B music ang singer na ito. Lahat ng kantahan niyang lugar, jampacked. Kabi-kabila rin ang guestings niya noon. Pero bakit bigla siyang nawala?

Hanggang nakita na lang namin siya sa isang resto-bar na nagpi-perform. Iilan ang nanonood at parang wala nang reaction ang audience.

Although parang nag-iba na siya ng repertoire, hindi na masyadong nagri-react ang audience na mabibilang mo lang sa mga kanta ng singer.

Sayang! Magaling pa naman siya. Pero gano’n talaga yata sa music industry. Bukod sa dapat mahalin mo ang trabaho, dapat din ini-improve mo ang ginagawa mo para hindi nagsasawa ang audience.
* * *
Maraming na-reveal sa kalalabas lang na survey ng Social Weather Station na commissioned by the Film Development Council of the Philippines headed by Chairman Jackie Atienza.

At least now, meron nang idea ang moviegoers ng movie industry tungkol sa pinapanood na pelikula ng mga kababayan nating Pinoy, kung saan sila nanonood ng sine at kung gaano karaming beses sa isang linggo.

Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkaroon ng survey ang SWS tungkol sa panonood ng pelikula ng kababayan natin. Parating sinasabi ng ibang wala na ang pelikulang Tagalog dahil iilan na lang ang nanonood. Pero hindi pala totoo. Malakas sa Visayas and Mindanao ang pelikula although totoong mas maraming hinihintay na lang ang sa TV na ipalabas.

Ano kayang impact nito sa GMA 7 and ABS-CBN na meron ding film arm, Star Cinema (ABS-CBN) and GMA Films (GMA 7)?

Special thanks to Mr. Atienza, chairman, FDCP, na nakaisip para magkaroon ng survey ang SWS na magsisilbi ngayong guide ng mga produ na naghahanap ng materials na puwede nilang gawin nang patuloy na umikot ang mundo ng pelikula sa bansa.

Anyway, isa sa interesting na tanong na lumabas sa survey ay "Sa kabuuan, mayroon ka bang hindi nagugustuhan tungkol sa mga pelikulang Pilipino o wala? Kung oo: Ano po ito? Wala naman silang reklamo - none (62%).

Pero marami ring respondent ang sumagot ng ayaw nila ng bold movies/x-rated (20%), overacting (3%), pare-pareho ang mga istorya (1%), Others (kissing scene, iyakan, masaker na pelikula (10%), and not applicable o hindi talaga nanonood (4%).

Sa Luzon, pinakamaraming sumagot na ayaw nila ng bold movies o x-rated at sa National Capital Region naman ang pinaka-mababa.

Ang mga college graduate/post graduate na nanonood ng sine ay ayaw na ayaw ng bold films ayon sa lumabas na survey ng SWS. Nakakuha ng 23% sa mga respondent base sa kanilang educational attainment, samantalang ang matatanda naman na 45-54 ang ayaw na ayaw sa kalaswaan kung edad ang basehan.

Masasabing wala nang hilig ang mga Pilipinong manonood ng movie sa mga bastos na pelikula kaya naman tuluyan nang nawala sa eksena ang mga bold stars na dati’y nagsulputang parang kabute.

Pero sa kabuuan, walang gustong baguhin ang moviegoers sa takbo ng mga pelikulang ipinalalabas up to June of this year.

Sa susunod, ilalabas namin ang resulta kung sino ang mga kabataang paborito, base sa educational attainment.

Very interesting ang resulta ng SWS survey.

Isa si Mr. Atienza sa pinaka-masigasig na leader ng movie industry sa kasalukuyan. Hindi lang basta maliliit na problema ang kanyang binibigyan ng attention kundi tinitingnan niya kung paano muling makakabangon ang industriya ng pelikula sa bansa.

Approved na rin ng Department of Budget ang filmfund na P25M na magsisilbing financial support sa mga movie producer na walang sapat na capital pero may kakayahang gumawa ng de kalidad na pelikula.

Kasama niya sa pagi-implement ng project ng FDCP ang chairman ng Cinema Evaluation Board na si Ms. Cristine Dayrit.
* * *
Paki ng classmate ko sa college na si Mr. Alvin Fidelson:

Isang kakaibang presentasyon ang ipamamalas ng mga artista, mang-aawit at ng Emilio Aguinaldo College Yamang Lahi Dance Troupe sa 2006 Unlad Pilipinas Awards sa September 14, 2006 na gaganapin sa AFPCOC Tejeros Hall, Camp Aguinaldo, Quezon City. Ipalalabas ang naturang pagtatanghal sa RPN 9 sa September 30 primetime (9-11 PM).

Kasama sa magtatanghal sina Mat Ranillo III, Almira Muhlach, Rey "PJ" Abellana and Maricar de Mesa bilang host ng awards night. Ang programa ay tatampukan ng kultura at galing ng Pilipino sa pamamagitan ng makulay na presentasyon ng mga awitin at sayaw sa bawat seremonya ng awards. Magtatanghal din si Karel Marquez, Luke Mejares, Audie Gemora, Carlo Orosa, Gian Carlo Magdangal and his band.
* * *
Salve V Asis’s e-mail: Salve@philstar.net.ph

Show comments