Kung ang pagbabatayan ay ang napakamahabang pila ng mga tao na umuorder ng pagkain sa bagong bukas na bar, masasabing magiging matagumpay ang Knock Out.
Tungkol naman sa pagrerehistro niya hindi sa kanyang bayan sa General Santos kundi sa Maynila, ipinaliwanag ni Manny na wala rin itong kinalaman sa sinasabing pagpasok niya sa pulitika. "Maganda ang ginagawa ni Mayor Atienza sa Maynila, gusto ko lamang siyang suportahan at tulungan," aniya.
Itinanggi rin ng boxing champ na gumon siya sa sabong at nagpapatalo. "Parang sinira ko na ang kinabukasan ng mga anak ko," sabi niya.
"May lovelife naman ako kahit paano at hindi ito with another man but with a woman. But its true I cannot imagine my life without my stepmother. Di ko kayang mabuhay kung wala siya. I call her everyday at kung pwede lang, gusto ko dito na rin siya but at the moment ayaw niya."
May bagong trabaho ang graduate ng Pinoy Big Brother. Kinuha siyang co-host ng Trip Na Trip, isang palabas ng ABS-CBN na mapapanood tuwing Linggo ng hatinggabi, simula sa gabing ito. Karagdagan silang dalawa ni Jayson Gainza sa mga orihinal na hosts na sina Katkat de Castro at Franzen Fajardo. Siya ang prangkang magsasabi kung ano ang "in" at "out sa mga destinasyon nilang pupuntahan.
Palabas pa rin ang pelikula niyang Oh My Ghost nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin para sa OctoArts Films na kung saan ay pinapupurihan ang acting niya na ikinatatangos ng ilong niya. "Paki-sabi sa lahat para magkaron pa ako ng maraming pelikula," sabi niyang nakatawa.
"Ilang na ilang ako sa rape scene. Maybe because its my first movie at first time kong mag-tackle ng ganung scene kaya takot pa ako na baka mahawakan ko ang private parts ni Rufa Me, but otherwise, I enjoyed doing the movie," pagmamalaki niya.
Dinumog ang demo na ginanap sa Shooting Range ng Makati City Hall na dinaluhan ng mga mataas na opisyal ng lungsod.
Di ko lang naitanong kung magkano ang halaga ng produkto na siguradong magbibigay ng sense of security sa mga gagamit nito.