^

PSN Showbiz

Pacquiao, negosyo muna bago pulitika

- Veronica R. Samio -
Sa blessing ng kanyang Knock Out Bar na matatagpuan sa Baywalk ng Roxas Boulevard, panay "No comment," ang sagot ng world boxing champ sa lahat ng mga katanungang may kinalaman sa pulitika. "Ayaw ko, baka magkamali pa ako ng sagot," ang palaging palusot niya. "Saka na lang, negosyo na lang muna ako," dagdag pa niya.

Kung ang pagbabatayan ay ang napakamahabang pila ng mga tao na umuorder ng pagkain sa bagong bukas na bar, masasabing magiging matagumpay ang Knock Out.

Tungkol naman sa pagrerehistro niya hindi sa kanyang bayan sa General Santos kundi sa Maynila, ipinaliwanag ni Manny na wala rin itong kinalaman sa sinasabing pagpasok niya sa pulitika. "Maganda ang ginagawa ni Mayor Atienza sa Maynila, gusto ko lamang siyang suportahan at tulungan," aniya.

Itinanggi rin ng boxing champ na gumon siya sa sabong at nagpapatalo. "Parang sinira ko na ang kinabukasan ng mga anak ko," sabi niya.
* * *
Bakit kapag ang isang lalaki, celebrity man o hindi, ay malapit sa kanyang ina ay kinukwestyon na natin ang kanyang kasarian? Tulad ni Uma Khouny na marahil dahilan sa closeness niya sa kanyang stepmother ay may tendency na maging malambot pero hindi nangangahulugang gay siya.

"May lovelife naman ako kahit paano at hindi ito with another man but with a woman. But it’s true I cannot imagine my life without my stepmother. Di ko kayang mabuhay kung wala siya. I call her everyday at kung pwede lang, gusto ko dito na rin siya but at the moment ayaw niya."

May bagong trabaho ang graduate ng Pinoy Big Brother. Kinuha siyang co-host ng Trip Na Trip, isang palabas ng ABS-CBN na mapapanood tuwing Linggo ng hatinggabi, simula sa gabing ito. Karagdagan silang dalawa ni Jayson Gainza sa mga orihinal na hosts na sina Katkat de Castro at Franzen Fajardo. Siya ang prangkang magsasabi kung ano ang "in" at "out’ sa mga destinasyon nilang pupuntahan.

Palabas pa rin ang pelikula niyang Oh My Ghost nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin para sa OctoArts Films na kung saan ay pinapupurihan ang acting niya na ikinatatangos ng ilong niya. "Paki-sabi sa lahat para magkaro’n pa ako ng maraming pelikula," sabi niyang nakatawa.

"Ilang na ilang ako sa rape scene. Maybe because it’s my first movie at first time kong mag-tackle ng ganung scene kaya takot pa ako na baka mahawakan ko ang private parts ni Rufa Me, but otherwise, I enjoyed doing the movie," pagmamalaki niya.
* * *
Isang demo naman ng glass protection para sa mga bahay at negosyo ang nadaluhan ko kamakailan lamang. Ang Global Ace Safety Philippines, exclusive distributor ng Ace Security Laminates line of products, ang nagpakita ng state-of-the art glass shield na hindi tinatablan ng anumang bala ng baril o kahit na bomba. Bagay ito sa mga tao na may matataas na katungkulan sa pamahalaan, military, mga milyonaryo na palaging tinatarget ng mga kidnappers at terorista.

Dinumog ang demo na ginanap sa Shooting Range ng Makati City Hall na dinaluhan ng mga mataas na opisyal ng lungsod.

Di ko lang naitanong kung magkano ang halaga ng produkto na siguradong magbibigay ng sense of security sa mga gagamit nito.

ACE SECURITY LAMINATES

FRANZEN FAJARDO

GENERAL SANTOS

GLOBAL ACE SAFETY PHILIPPINES

JAYSON GAINZA

KNOCK OUT

KNOCK OUT BAR

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with