Biglang nag-dialogue ang beteranang aktres ng "Hindi yan nireretoke huh! Healthy living kasi ako. Hindi katulad ng isa kong kasama sa show na retokado ang mukha."
Visible pa rin sa telebisyon ang aktres at mainstay ng isang sitcom sa malaking network.
Walang taping sa Aalog-alog kaya ang napuntahan namin ay ang pagta-turn-over ng susi para sa bagong condo unit na natanggap niya sa PBB last August 16. Ang condo ay one-bedroom lang pero ang cute, fully-furnished at matatagpuan sa Chateau Valenzuela ng Barangay Lingunan. Nagkakahalaga ito ng more or less na P1.3 milyon.
"Ano ang feeling na meron ka nang condo unit?" tanong namin.
"Ang ganda po at ang cute-cute ng kuwarto. Magkakaroon na ako ng pahingahan kapag libre sa aking commitment," aniya.
Umuupa ng apartment sa Cubao si Kim kasama ang kanyang ama samantalang ang apat nitong kapatid ay naninirahan naman sa Cebu.
"Noon kasing pumirma ako ng kontrata kay Kuya Jun ay menor de edad pa ako at di alam ng parents ko na sumali ako sa Star Circle Quest. Malaki naman ang naitulong sa akin ni Kuya Jun para makilala sa showbiz. Pero pwede pa rin akong kunin yun nga lang ipagpapaalam niya muna ako sa ABS-CBN," sey ng aktor.
Ratsada ang career ni Joross at halos wala na nga itong pahinga sa dami ng commitment. Minabuti niyang mag-cool off muna sila ng girlfriend na si Roxanne Guinoo para makapag-concentrate sa trabaho.
Sinabi ni Joross na mas marami silang bagay na pinag-aawayan ni Roxanne kaya minabuting maghiwalay muna ng landas.
Kasama ito sa Atlantika na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.
Naniniwala si Angelu na pana-panahon lang ang pagsikat at sa dami ngayon ng mga baguhang artista ay ilan lang ang may talento sa akting ayon sa actress.