Tuwang-tuwa at lubos na nagpapasalamat si
Boots Anson Roa kay
Nora Aunor sa pagtulong nito sa ginawang charity show sa Columbia University USA. Ang beneficiary ng naturang show ay ang
MOWELFUND. Alam nyo naman na maraming dapat tulungan ang
MOWELFUND na manggagawa ng pelikulang Pilipino. Kailangan ding ingatan ang mga memorabilia ng mga artista natin at kailangan nila ng pondo para rito. At hindi ito magagawa kung walang laman ang kaban ng MOWELFUND.
Kaya ganun na lang ang pasasalamat ni Boots sa lahat ng mga kapwa nating Pinoy na sumuporta sa naturang palabas. Kasama rin sa show sina
Bernardo Bernardo, Anthony Castelo at meron ding iilang banda na tumugtog.
Malaki ang nalikom na pera ni Boots at umasa kayong malaki rin ang maitutulong nito sa organisasyon. Ganunpaman, patuloy pa rin ang pangangalap ng donasyon para sa marami pang proyekto ng MOWELFUND.
Ako ang hiningal sa matagumpay na concert ng
Showgirl ni
Vina Morales nung Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum. Mula simula, walang ginawa si Vina kundi kumanta at may kasama pang acrobatic acts. Hinangaan ang kanyang Kamasutra performance na talaga namang napaka-daring.
Hindi rin nagpahuli si
Aiai delas Alas dahil hinigitan pa niya si Vina at talagang nagpaka-daring din. Kung sa Kamasutra ni Vina ay may isa siyang ka-partner na lalaki, si Aiai ay pitong lalaki ang nakapatong habang kumakanta sa kama. Kwelang-kwela si Aiai na pang-adults talaga, triple XXX pa nga yata.
Malakas din ang hatak nina
Ogie Alcasid at
JayR sa nasabing show.
Again congratulations Vina! Sulit ang binayad ng mga nanood at kitang-kita mo sa mga mukha nila na nag-enjoy sila sa show ni Vina.
Huling termino na ni
Isko Moreno sa kanyang distrito bilang konsehal. Kahit sabihin pang malakas ang makakalaban ni Isko sa pagka-vice mayor ng Maynila sa darating na eleksyon, hindi pa rin makakaila ang magandang record nito sa kanyang mga constituents, kaya tuloy ang kanyang pagtakbo.
Marami nang pinatunayan si Isko at subok na ang kanyang panunungkulan sa kanyang mga nasasakupan. Kilala natin si Isko at alam natin ang kanyang pinanggalingan at maging ang kanyang pagsusumikap.
Binabati rin natin ang kagalingan sa pagganap ni
Gina Pareño sa digital film na
Kubrador. Talagang maipagmamalaki ang mga artista noon. Tingnan nyo naman na hanggang ngayon ay nagpapamalas pa rin sila ng kagalingan sa kanilang propesyon sa larangan ng pag-arte.
Nagsisilbi rin silang inspirasyon at magandang ehemplo ng ating mga kabataang artista ngayon na dapat lang naman nilang tularan.