Mahal na mahal ng seksing aktres ang modelong nobyo. Waring nahihibang ito sa bagong pag-ibig. Pero aware naman kaya ang aktres na may ibang mahal ang kanyang karelasyon ngayon? Balitang nagsasayaw ang babae sa isang club. Higit na mas bata at sariwa ang dancer na ito kaysa sa actress na hiwalay din sa asawa.
Gustong Makapareha Si Kris |
Ratsada si
Cesar Montano hindi lang bilang artista kundi prodyuser. Tinatapos na nito ang syuting ng
Ligalig na entry ng
CM Films sa darating na
Metro Manila Film Festival. Nakalinya na rin ang proyektong pagsasamahan nila ni
Ara Mina.
Sa susunod na taon ay gagawin nito ang filmbio ng yumaong senador na si
Ninoy Aquino. Kinukumbinse niya si
Kris Aquino para gampanan ang papel ni
Cory Aquino na una nang tumanggi.
Binawi na ni Kris na huling pelikula na niya ang
Sukob pero dahil sa tumabo ito sa takilya ay nagbago ang kanyang pasya at sinabing magpapahinga lang siya. Kaya malaki ang tsansang tanggapin nito ang offer tungkol sa buhay ng ama.
Pwedeng Maging Tunay Na Lalaki |
Sinabi ko kay
Dolly Ann Carvajal na kahit bading ang kanyang anak na si I
C Mendoza ay mapalad siya dahil talagang mahal na mahal siya nito. Naikwento nga ni
Dolly Ann na sinabi sa kanya ng anak na walang ibang pwedeng manakit sa kanya. Sakaling mag-asawa siyang muli at sasaktan siya ng lalaki ay baka maging tunay na lalaki si IC dahil tiyak gugulpihin niya ito.
"Ipagtatanggol ko si Mommy kahit anong mangyari dahil mahal na mahal ko siya. Ayaw ko siyang masasaktan ng iba," anang aktor.
Ipinagmamalaki ni IC ang pelikulang
Twilight Dancers dahil naipamalas nito ang kakayahan sa pag-arte.