^

PSN Showbiz

Komedyana/sexy star, ipinagpalit ng dyowa sa dancer

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mahal na mahal ng seksing aktres ang modelong nobyo. Waring nahihibang ito sa bagong pag-ibig. Pero aware naman kaya ang aktres na may ibang mahal ang kanyang karelasyon ngayon? Balitang nagsasayaw ang babae sa isang club. Higit na mas bata at sariwa ang dancer na ito kaysa sa actress na hiwalay din sa asawa.
Gustong Makapareha Si Kris
Ratsada si Cesar Montano hindi lang bilang artista kundi prodyuser. Tinatapos na nito ang syuting ng Ligalig na entry ng CM Films sa darating na Metro Manila Film Festival. Nakalinya na rin ang proyektong pagsasamahan nila ni Ara Mina.

Sa susunod na taon ay gagawin nito ang filmbio ng yumaong senador na si Ninoy Aquino. Kinukumbinse niya si Kris Aquino para gampanan ang papel ni Cory Aquino na una nang tumanggi.

Binawi na ni Kris na huling pelikula na niya ang Sukob pero dahil sa tumabo ito sa takilya ay nagbago ang kanyang pasya at sinabing magpapahinga lang siya. Kaya malaki ang tsansang tanggapin nito ang offer tungkol sa buhay ng ama.
Pwedeng Maging Tunay Na Lalaki
Sinabi ko kay Dolly Ann Carvajal na kahit bading ang kanyang anak na si IC Mendoza ay mapalad siya dahil talagang mahal na mahal siya nito. Naikwento nga ni Dolly Ann na sinabi sa kanya ng anak na walang ibang pwedeng manakit sa kanya. Sakaling mag-asawa siyang muli at sasaktan siya ng lalaki ay baka maging tunay na lalaki si IC dahil tiyak gugulpihin niya ito.

"Ipagtatanggol ko si Mommy kahit anong mangyari dahil mahal na mahal ko siya. Ayaw ko siyang masasaktan ng iba," anang aktor.

Ipinagmamalaki ni IC ang pelikulang Twilight Dancers dahil naipamalas nito ang kakayahan sa pag-arte.

ARA MINA

C MENDOZA

CESAR MONTANO

CORY AQUINO

DOLLY ANN

DOLLY ANN CARVAJAL

GUSTONG MAKAPAREHA SI KRIS

KRIS AQUINO

MAHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with