Rustom, dinamitan ni Paul Cabral sa Zsa Zsa Zaturnnah!
August 19, 2006 | 12:00am
Noong Thursday, 5:00 PM to 8:00 PM ginawa ang story conference ng Bakekang sa GMA-7 at Aug. 18 ang pictorial. May one day workshop ang cast noong Aug. 19 at sa 21, ready na sila to shoot. Kundi mababago ang schedule, sa Aug. 25 na ang presscon ng show.
Pasok si Jay Manalo sa cast as the guy na kina-inlaban ni Bakekang (Sunshine Dizon). Inamin din daw ni Cogie Domingo bago pa ang story conference na kasama siya sa cast pero, di pa alam ang role. Ang alam namin, siya ang makaka-pareha ni Kristal (Lovi Poe).
"Katuwa ang reaction ng fans sa role ni Cogie bilang love interest ni Lovi na anak ni Bakekang. Lalabas daw na biyenan ng actor si Sunshine na leading lady niya sa Kung Mawawala Ka. Ayaw ng fans dahil umaasa silang muling pagtatambalin sina Sunshine at Cogie at nasira ang pag-asa nila ngayong lalabas na mag-biyenan ang dalawa.
Bongga si Rustom Padilla dahil ang mga damit na isinuot sa Zsa Zsa Zaturnnah bilang si Ada ay gawa lahat ni Paul Cabral. Binigyan din siya ng sariling make-up artist ng Regal at may taga-ayos din ng buhok. Kaya naman, ang ganda-ganda nito nang makita namin na ayos babae mula sa damit, make-up at ayos ng buhok na naka-headband pa.
Mahirap pero, nag-enjoy si Rustom sa pagpo-portray sa role ni Ada. Tiyak siyang magugustuhan ng makakapanood ng pelikula ang na-create niyang character ni Ada at makaka-relate ang mga bading sa kanya.
Bilang paghahanda sa role ni Ada, binasa niya ang ZZZ komiks at ininterview ang author nitong si Carlo Vergara. Pinanood din niya ang musical at binasa ng ilang beses ang script ni Dinno Erece. Ikinatuwa nito na satisfied si direk Joel Lamangan sa atake niya sa role ni Ada.
Hindi sigurado si Rustom kung may kissing scene pa sila ni Alfred Vargas at gagawin niya ito kung meron at sasabihin ni direk Joel. Pero, dahil GP o General Patronage ang hinahabol na classification ng Regal sa MTRCB, baka, wala ng ganoong eksena.
"I dont mind kung may kissing scene. But so far, ang kinunang scenes namin ay puro titigan at pakiramdaman. Hindi na niya ako binuhat dahil mabigat daw ako. Ha-ha-ha!" say ni Rustom. Nitz Miralles
Pasok si Jay Manalo sa cast as the guy na kina-inlaban ni Bakekang (Sunshine Dizon). Inamin din daw ni Cogie Domingo bago pa ang story conference na kasama siya sa cast pero, di pa alam ang role. Ang alam namin, siya ang makaka-pareha ni Kristal (Lovi Poe).
"Katuwa ang reaction ng fans sa role ni Cogie bilang love interest ni Lovi na anak ni Bakekang. Lalabas daw na biyenan ng actor si Sunshine na leading lady niya sa Kung Mawawala Ka. Ayaw ng fans dahil umaasa silang muling pagtatambalin sina Sunshine at Cogie at nasira ang pag-asa nila ngayong lalabas na mag-biyenan ang dalawa.
Mahirap pero, nag-enjoy si Rustom sa pagpo-portray sa role ni Ada. Tiyak siyang magugustuhan ng makakapanood ng pelikula ang na-create niyang character ni Ada at makaka-relate ang mga bading sa kanya.
Bilang paghahanda sa role ni Ada, binasa niya ang ZZZ komiks at ininterview ang author nitong si Carlo Vergara. Pinanood din niya ang musical at binasa ng ilang beses ang script ni Dinno Erece. Ikinatuwa nito na satisfied si direk Joel Lamangan sa atake niya sa role ni Ada.
Hindi sigurado si Rustom kung may kissing scene pa sila ni Alfred Vargas at gagawin niya ito kung meron at sasabihin ni direk Joel. Pero, dahil GP o General Patronage ang hinahabol na classification ng Regal sa MTRCB, baka, wala ng ganoong eksena.
"I dont mind kung may kissing scene. But so far, ang kinunang scenes namin ay puro titigan at pakiramdaman. Hindi na niya ako binuhat dahil mabigat daw ako. Ha-ha-ha!" say ni Rustom. Nitz Miralles
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended