Kilalang-kilala sa Guam ang mga awiting pinasikat ni Renz tulad ng "Remember Me," "Ibang-Ibang Ka," "Mahal Kita," "You and I," "Sa `Yo Lang," "Gulong ng Palad," "Lorena," "Everyday," "Tanging Ikaw," "Kahit Konting Pagtingin" at "Ill Keep on Loving You" kaya kasama ang mga ito sa kanyang repertoire.
Bukod dito, magkakaroon din ng side show roon si Renz na tatagal ng 10 araw kaya sa August 30 pa ang kanyang balik ng Pilipinas at sa September 1 naman ay tutulak siya patungong Japan para naman sa ilang serye ng show ay doon.
Taong 1975 nang mag-asawa si Eva at napangasawa niya ang isang kapitan ng isang inter-island na barko na si Gerardo Chio at nagkaroon sila ng isang anak, si Evangeline Wednesday, 30 years old at kamakailan lamang nag-asawa.
Dahil sa maagang pag-aasawa ni Eva, tumigil siya sa kanyang pag-aartista at nag-concentrate na lamang siya sa kanyang singing career. Nagkaroon siya ng banda, ang Cruise Masters Band at regular silang tumutugtog noon sa mga barko.
Sampung taong gulang pa lamang noon ang anak niyang si Vangie nang magkahiwalay silang mag-asawa kaya huminto si Eva sa pagkanta ay nag-concentrate siya sa Bible school at pagsisilbi sa kanilang simbahan at syempre, sa pag-aalaga ng kanyang kaisa-isang anak. Si Vangie ay nag-aral ng Christian Education at nagtapos itong cum laude. Konektado ito ngayon sa CBS-Asia, ang producer ng Christian program na 700 Club.
Sa loob ng 18 taong paghihiwalay nina Eva at ng kanyang mister na si Gerry, ay muling nagkabalikan ang mag-asawa kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang anak na si Vangie.
Kapag nahihilingan, kumakanta pa rin si Eva na siya naman talaga niyang first love.
Sa kabila ng paglipas ng maraming taon, napakaganda pa rin ni Eva na siyang may pinakamahabang buhok sa mga artistang babae nung panahon niya.