^

PSN Showbiz

Singer/actress nung 70s, nakabalikan ang asawa matapos ang 18 taong paghihiwalay

RATED A - Aster Amoyo -
Kasalukuyang nasa Guam ang hitmaker na si Renz Verano kung saan ito may concert kasama ang Aegis Band sa University of Guam ngayong ika-walo ng gabi na produced ng Royal Star Productions ng mag-asawang Jemuel at Joan Luciano. First time ito ni Renz sa Guam kaya excited siya na makadaupang palad at mabigyang kasiyahan ang ating mga kababayan na doon na naka-base.

Kilalang-kilala sa Guam ang mga awiting pinasikat ni Renz tulad ng "Remember Me," "Ibang-Ibang Ka," "Mahal Kita," "You and I," "Sa `Yo Lang," "Gulong ng Palad," "Lorena," "Everyday," "Tanging Ikaw," "Kahit Konting Pagtingin" at "I’ll Keep on Loving You"  kaya kasama ang mga ito sa kanyang repertoire.

Bukod dito, magkakaroon din ng side show roon si Renz na tatagal ng 10 araw kaya sa August 30 pa ang kanyang balik ng Pilipinas at sa September 1 naman ay tutulak siya patungong Japan para naman sa ilang serye ng show ay doon. 
* * *
Natatandaan pa ba ninyo ang singer-actress nung dekada ‘70 na si Eva Vivar?  Kontemporaryo siya nina Darius Razon, Perla Adea, Romy Mallari, Geraldine, Rhodora Silva, Lirio Vital, Aurora Salve, Walter Navarro, Danny Cruz, Mildred Ortega, Florence Aguilar, Victor Wood at maraming iba pa.  Si Eva ay gumawa rin ng pangalan sa larangan ng pag-awit at recording at nakagawa rin siya noon ng ilang youth-oriented movies.  Naging recording star siya ng Alpha Records kung saan siya nakagawa ng dalawang album. Ilan sa mga hit songs na kanyang pinasikat ang "Mr. Love," "Nobody’s Child," "Mother of Mine," "Ako’y Iniwan Mo" at iba pa.

Taong 1975 nang mag-asawa si Eva at napangasawa niya ang isang kapitan ng isang inter-island na barko na si Gerardo Chio at nagkaroon sila ng isang anak, si Evangeline Wednesday, 30 years old at kamakailan lamang nag-asawa.

Dahil sa maagang pag-aasawa ni Eva, tumigil siya sa kanyang pag-aartista at nag-concentrate na lamang siya sa kanyang singing career.  Nagkaroon siya ng banda, ang Cruise Master’s Band at regular silang tumutugtog noon sa mga barko.

Sampung taong gulang pa lamang noon ang anak niyang si Vangie nang magkahiwalay silang mag-asawa kaya huminto si Eva sa pagkanta ay nag-concentrate siya sa Bible school at pagsisilbi sa kanilang simbahan at syempre, sa pag-aalaga ng kanyang kaisa-isang anak.  Si Vangie ay nag-aral ng Christian Education at nagtapos itong cum laude.  Konektado ito ngayon sa CBS-Asia, ang producer ng Christian program na 700 Club.

Sa loob ng 18 taong paghihiwalay nina Eva at ng kanyang mister na si Gerry, ay muling nagkabalikan ang mag-asawa kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang anak na si Vangie.

Kapag nahihilingan, kumakanta pa rin si Eva na siya naman talaga niyang first love.

Sa kabila ng paglipas ng maraming taon, napakaganda pa rin ni Eva na siyang may pinakamahabang buhok sa mga artistang babae nung panahon niya.
* * *
<[email protected]>

AEGIS BAND

ALPHA RECORDS

AURORA SALVE

CHRISTIAN EDUCATION

CRUISE MASTER

EVA

RENZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with