Speaking of Carlos at Uma, magkasama ang dalawa sa horror-comedy movie na Oh My Ghost na pinagbibidahan nina Rufa Mae Quinto at Marvin Agustin na dinirek ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films at showing na ngayon in 100 theaters nationwide simula nung Miyerkules.
Nagkaroon kami ng rare chance na mai-pictorial ang mag-anak sa kanilang bahay sa White Plains para sa Celebrity Living Magazine.
Twenty-two years old na si Raphael at 20 naman si Renz na isang star material kung nanaisin lamang nito na pasukin din ang mundo ng kanyang mga magulang. Malaki ang hawig ni Renz sa kanyang kuya na si Mark Anthony Fernandez.
Tinanong namin si Renz kung may balak ba siyang sundan ang yapak ng kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Mark.
"Sa ngayon wala.But Im not saying na wala akong interes.Ayoko munang magsalita ng tapos," aniya.
"Pero mag-aartista siya para sa akin," susog naman ng kanyang kuya na si Raphael na nag-aaral ng Film at Psychology sa Ateneo."
"Siya ang artista ko at ako ang mag-didirek sa kanya," ani Raphael.
Maganda ang samahan ng magkapatid. Walang inggitan sa kanila. Kitang-kita rin namin ang pagiging masaya ng kanilang pamilya. Lalong naging close ang mag-anak nang magkasakit ng matagal si Daboy na kamuntik na rin nitong ikamatay. Doon lalong naging close ang bonding ng mag-anak.