Three times tinanghal na Overall Champion Female Vocal Solo si Jonalyn sa mga kategoryang Broadway, Pop at Original. Limang gold naman ang nakuha nito sa kategoryang Broadway, Original Pop, R&B/Jazz at Variety, siya rin ang tinanghal na Industry Award Female Vocal Solo. Kinanta niya ang "Close To Where You Are", carrier single ng kanyang "On My Own" album para sa Original category.
Kahit runner-up lamang sa PPS, nag-uwi si Brenan ng limang gold at apat na plaque. Tinanghal siyang Overall Champion Male Vocal Solo at Industry Award Male Vocal Solo.
Sina Jonalyn at Brenan din ang nanalo ng Industry Award Vocal Duet/Trio at plaque bilang Overall Champion Vocal Duet/Trio.
Isang engrandeng selebrasyon at homecoming ang handog ng SOP sa dalawa ngayong Linggo.
Ang iba pang myembro ng Philippine Team ay ang QTV11 Famjams Cercado Sisters (Grand Champion Vocal Group, Overall Champion Vocal Group For Pop, Gold Medalist sa Broadway, Gospel, Original at Pop); Jon Joven, Gold Medal Broadway at 2 Silver Pop at Opera, Overall Champion Male Vocal Broadway.
"Blush" ang unang album nila sa UR pero ikatlong album nila ito, ang naunang dalawa ay ang "Probably Not But Most Definitely" at ang "Take 2" na nagbigay sa kanila ng mga awards mula sa Awit, Katha at NU107 Rock Awards kasama na ang Best Vocalist at Best Drummer trophies para kina Aia at Zach.
Para sa "Blush", napakabilis ng arangkada ng "Tara Lets", isang awitin na nagpapakita ng kaligayahang nadarama ng grupo. Ang iba pang awitin sa album ay ang "Sundo", "Zelo", "Lula" at "Under Repair".
Di tulad ng maraming grupo na nagsasabing di maasahan ang kita ng nagbabanda, sinabi ng Imago na pawang nagtapos ng kurso sa kolehiyo na mas pinili nila ang mag-banda dahil masaya sila rito at maganda ang kita.