OA ang GMA 7 kay Alyssa Alano!

Gaano katotoo na kalahating milyon ang asking price ng international star na si Lea Salonga kapag pinakakanta sa mga birthday parties?

Kwento sa amin ng taong dumalo sa 80th birthday party ng tycoon na si Mr. John Gokongwei ng JG Summit sa Crowne Plaza Hotel ballroom last Friday na ni-request si Lea na kumanta sa party. Nag-mini concert ng broadway medleys at wala raw masabi ang guests ni Mr. Gokongwei dahil super enjoy sila nung gabi.

Madali naman daw kausap si Lea at maaga rin itong dumating sa call time niya at bago raw nag-perform ay iniabot na ng staff ni Mr. Gokongwei ang TF nito at nagbiro pa nga raw ang anak ni Mr. Gokongwei na si Lance na hindi na niya mabibili ang dream car niya kasi napunta na kay Lea ang pera.

Say ng taong nagkwento sa amin, "E, worth it naman ang bayad kay Lea, imagine ang galing niya at international star pa. Siyempre, marami nga lang nag-react kasi sa hirap ng buhay ngayon, di ba?"
* * *
Parang nao-OA-yan naman yata kami ngayon sa sobrang atensyong ibinibigay ng GMA-7 sa tinaguriang "Kiss Me" girl na si Alyssa Alano dahil kaliwa’t kanan ang guestings niya sa shows ng Siete at QTV.

Halos puro si Alyssa na lang ang napapanood sa araw-araw sa Channel 7, bukod pa sa mainstay na raw ito ng Nuts Entertainment dahil nga paborito siya ni Joey de Leon.

At may birthday celebration siya ngayong Linggo sa SOP with matching surprises. Ganun ka-importante si Alyssa at bibigyan siya ng sarili niyang oras sa nasabing programa gayung hindi naman siya taga-SOP at kailan lang siya sumulpot.

And last we heard ay pinag-aagawan siya ng GMA-7 at QTV para bigyan ng exclusive na kontrata, ganun?

If this is true, samantalahin na ni Alyssa ang blessings na dumarating sa kanya ngayon dahil bukas o sa makalawa ay may bago na namang laughing stock ang Siete, lalayo pa ba tayo kay Angelica Jones noon?
* * *
Nakakatuwa naman ang producer ng Daisy Siete na si Joy Cancio dahil nagpasalamat siya sa mga nagsusulat ng programa niya dahil malaking tulong daw ito sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Season 12 na may episode title na Landas which stars Romnick Sarmenta, Reggie Curley, Jordan Herrera, Sexbomb at iba pa.

"Maraming salamat po sa lahat ng tulong dahil last Friday po ay naka-24.8% po ang Landas. Salamat talaga," masayang sabi ni Joy sa amin sa kabilang linya.

Nabanggit din na kesehodang negative o positive ang write-ups ay okey lang, at least nasusulat daw.

"Ito po ang natutunan ko sa showbiz, maski na hindi maganda ang nasusulat, salamat din kasi wake-up call ‘yun sa programa, baka kailangang may dapat baguhin kaya welcome po ang mga ganun puna. ’Wag lang sanang personal na tira lalo na kung hindi totoo," dagdag pa ni Ms. Cancio.

Naaliw din siya dahil may nagsulat daw na boyfriend niya ang isa sa bago niyang alaga at nung hindi raw niya pinansin ay isinulat namang ibinebenta niya ang bahay niya na ikinatawa rin niya dahil wala raw ganun.

At ang latest, ang 4 storey building ng opisina niya sa Kamias Road naman daw ang for sale para may pandagdag sa pagpo-produce niya ng Daisy Siete na inihahanda na ang istorya ng Season 13.

"Ha, ha, ha, nakakatawa talaga ang balita, ba’t ko naman ito ibebenta, e, malaking tulong itong opisina ko sa amin dahil dito na rin ang studio ng dancers ko," sambit pa ni Joy. — REGGEE BONOAN

Show comments