Luna Awards, hindi na masyadong bongga

"Di ba nasulat mo na magri-raid kami sa St. Francis Square, ayun ginawa na namin," bungad ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano when he called last Sunday.

"Marami kaming nakuha, pero wala pa akong idea kung ilan," sabi ni Edu sa kabilang linya. Dahil hindi pa tapos ang inventory, walang maibigay na estimate cost si Chairman Manzano sa kanilang nasamsam.

Ang St. Francis Square owned by a certain Mr. Roxas ang may-ari ng nasabing mall na pinamumugaran ng mga pirata sa kasalukuyan.

Ang kwento pa ni Edu, malamang na kasuhan ang may-ari ng nasabing mall ng mga stall owners.

Dati ay nasa Metrowalk ang mga nasabing pirata. Pero talagang hindi sila tinantanan ng OMB, kaya ayun naglayasan. Ang siste lang, lumipat ang mga ito sa St. Francis Square na hindi naman nagtagal ay nadiskubre ng OMB.
* * *
Hindi kasing bongga ng dalawang taong magkasunod na Luna Awards ang gaganaping awards night ng Film Academy of the Philippines ngayong taon. Mismong ang director general ng FAP na si Mr. Leo Martinez ang nagsabi nito. Magiging tema ng awards night this year na ang Eight Elephants Productions (Harlene Bautista, Romnick Sarmienta, Carlos de Leon, Allan Cordova, Hubert Navarro and Hero Bautista) ang producer, ang kultura ng Pilipino featuring the eight historical sites ng bansa recognized by UNESCO. Kasama rito ang apat na simbahan at apat na lugar sa bansa.

"Gusto kong iparamdam na ang pelikulang Pinoy ay karugtong ng ating kultura.

"Hindi na natin alam ang kultura ng ating bansa. Dati ang Department of Education, dating Department of Education Culture and Sports ‘yun, ngayon binago na. So ano pang ahensiya ang may hawak?" laments Mr. Martinez in an i-interview para sa announcement ng nominees sa 2006 Luna Awards night na gaganapin on Sept. 16, sa PAGCOR Grand Theater, Casino Filipino (Parañaque City) na mapapanood sa RPN 9 under the direction of Al Quinn.

Delayed ang awards night ng Luna sa taong ito. Ang paliwanag ni Mr. Martinez, wala silang pondo para isagawa ito kaya kinailangan pa niyang maghagilap ng additional funds para matuloy ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga artista ng pelikulang Tagalog.

Dahil Filipiniana ang theme, maging ang mga couturier na magbibihis sa mga artista ay ibabagay ang mga bihis sa tema ng Gabi ng Parangal.

For the last two years, ang grupo nina Albert Martinez ang producer ng nasabing awards night. Masyadong glamorous ang presentation ng nasabing awards night. Pero ayon kay Mr. Martinez, tapos na ang kontrata nina Albert. "Ganoon naman talaga ang concept noon, mala-Hollywood," susog ni Mr. Leo Martinez sa interview

By the way, kasama sa maglalaban-laban sa best picture category ang digital film na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na nauna nang nanalong best picture sa URIAN. Makakalaban ng Maximo sa Luna ang Nasaan Ka Man, Dubai, Blue Moon and La Visa Loca.
* * *
Uy after ng Black Eyed Peas at Pussy Cat Doll, ang boyband naman na Westlife ang darating sa Manila para mag-concert on September 4 at the Araneta Coliseum.

Ngayon ay binubuo nina Shane Filan, Kian Egan, Nicky Byrne and Mark Feehily matapos na lumayas sa grupo si Bryan McFadden two years ago para i-pursue ang kanyang solo career.

Maraming sikat na kanta ang grupo na nagsimula sa single na "Swear It Again." Simula no’n, sunud-sunod na ang kanilang kanta na sumikat worldwide.

Kasama sa mga #1 hits nila ang "If I Let You Go," "Flying Without Wings," "Queen Of My Heart," "Fool Again," remakes of "Seasons In The Sun" and "Uptown Girl." Their songs "Bop Bop Baby," "Unbreakable," "Tonight/Miss You Nights," "Mandy," "Obvious" and "Ain’t That A Kick In The Head" na lahat nag-no. 1 sa Pilipinas.

Naka-duet na rin ng grupo ang mga biggest names in the music industry today including Diana Ross, Mariah Carey, Donny Osmond and Donna Summer.

Sikat pa rin sa bansa ang Westlife at maraming nag-aabang sa kanilang concert.

Ang kanilang concert ay part ng forthcoming Asian and Australian tour nila.

Tickets for Westlife’s Manila concert are available at all SM Ticketnet outlets and the Araneta Coliseum Box Office. Ticket prices are P4,500; P4,000; P3,000; P1,500 and P350. For details and reservations, call 911-5555.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments